Tingnan ang masayang buhay ngayon ng dating aktres na si Jinky Oda bilang isang Security personnel ngayon

Natatandaan niyo pa ba ang dating akres na si Jinky Oda? Kung oo ay kamakailan- lamang ibinahagi niya ang kanyang marangal at proud na trabaho bilang isang security personnel sa Amerika sa vlog ni Rufa Mae Quinto at Lj Moreno sa Youtube channel ng mga ito.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Nakilala ng husto si Jinky Oda noon sa isang sikat na sitcom na may pamagat na “Okay Ka, Fairy Ko!” dahil sa kanyang angking galing sa pag- arte at pagbi- bigay saya sa mga viewers dahil isa rin itong magaling na komedyante.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Sa isang vlog nina Ruffae Mae Quinto kasama si LJ Moreno na kilala bilang sa Youtube channel ng mga ito na “The Wander Mamas” ay nagkaroon ng oras ang mga ito upang makapag- kwentuhan sa dating akres na si Jinky sa kanyang buhay ngayon matapos nitong iwan ang mundo ng showbiz.

Sa vlog nina Ruffa at Lj ay binisita at nakipag- kita umano ang mga it okay Jinky sa California, USA kung saan ibinahagi ni Jinky kung paano napunta ito sa Amerika at kung ano ang pinagkaka- abalahan nito. Ayon kay Jinky ay nagkaroon ito ng ideya na pumunta sa bansang Amerika nang tanungin siya mismo ng kanyang anak kung naiisip ba nito o gusto ba nitong manirahan at mamalagi na sa ibang bansa at iwan ang Pilipinas.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

“First year ko dito the whole year culture sh0ck siya. Kasi walang tao. Nasa’n ang tao? Kapitbahay mo nga, ‘di mo kilala… Walang tao, walang kausap” pagkukwento nito.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Ito ang isa sa mga naging culture shock ni Jinky matapos nitong manirahan sa US dahil malayong- malayo ito sa nakasanayan niya sa Pilipinas. Hindi lamang mga culture sh0ck ang ikinuwento ni Jinky kung hindi pati na rin ang kanyang naging unang trabaho bago ito naging security.

Ayon sa kanya, sa tulong ng kanyang kapatid na isang nurse sa Amerika ay nagsimula itong mamasukan bilang isang caregiver ngunit hindi ito permanente dahil wala pa itong kumpletong papeles upang mamasukan.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

“Dahil wala pa nga akong papers at that time, parang ano lang ako, on-call caregiver. Pag walang caregiver na pumapasok, ako yung parang magfi-fill in. Okay naman. Kesa naman sa nganga.” Dagdag niya.

Hindi nag-tagal at may nakilala si Jinky sa Amerika na isang security personnel at ito ang dahilan kung bakit isang security personnel na rin ang trabaho niya ngayon.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

“Meron akong nakilalang guy na local security guard. Lumapit lang siya sa’kin. Siyempre, to be polite, ngumiti lang ako. Biglang lumapit, nagpakilala. To make the long story short, siya nagpasok sa akin sa security field.” Saad nito.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Sa vlog ay inamin ni Jinky na namimiss din nito ang buhay sa Pilipinas ngunit mga kaibigan na lamang ang pweding balikan ni Jinky sa bansa dahil lahat ng kanyang pamilya ay nasa Amerika na rin tulad niya kaya naman masayang- masaya na ito lalo na sa kanyang trabaho ngayon.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram