Tingnan ang masayang Christmas photoshoot ni Alfred Vargas kasama ang kanyang magandang pamilya

Kilala nating lahat si Alfred Vargas bilang isang aktor at politician. Noon ay marami ding mga pelikula at mga teleserye si Alfred na kung saan nakilala siya sa kanyang galing sa pag-arte.

Credit: Alfred Vargas instagram

Matapos ito, pinasok na rin ni Alfred ang mundo ng pulitik0. Dito na nakapaglingkod si Alfred sa kanyang mga kababayan sa Quezon City. Mula sa pagiging konsehal sa Quezon City, si Alfred ay tumakbo bilang K0ngresista sa 5th district ng lungsod.

Credit: Alfred Vargas instagram

Sa kanyang ikalawang sabak sa laban sa pagiging kongresista, ay wala ng lumaban sa kanya na nakakuha ng halos 85 porsyento ng mga boto.

Credit: Alfred Vargas instagram

Pero sa likod ng buhay ni Alfred sa kamera at pulitika, ay mayroong higit na fulfillment na naibibigay sa kanya ang kanyang pamilya.

Ang napakagandang asawa ni Alfred na si Yasmien Vargas at ang kanilang mga anak na sina Alexandra Milan Vargas, Aryana Cassandra Vargas at Alfredo Cristiano Vargas IV.

Credit: Alfred Vargas instagram

Sila ang nagsisilbing tunay na lakas at inspirasyon ni Alfred sa kanyang buhay. Sabi nga nila, nagsisimula ang leadership sa loob ng tahanan kaya naman kung ano ang ipinapakita ni Alfred sa kaniyang pamumuno ay nanggagaling din ito sa kaniyang pamilya.

Makikita naman talaga na napakasaya ng kanilang pamilya. Sa isang larawan nila sa kanilang bahay, ay makikita ang napakagandang Christmas set up na ito.


β€œA beautiful Christmas portrait for Alfred & Yasmien Vargas and kids πŸŽ„πŸŽ„πŸŽ„πŸŽ„
Have a meaningful Christmas everyone!
Christmas set up by @gideonhermosa,” saad ni Alfred sa IG.
Napakaganda nga naman ng dekorasyon lalo na ng Christmas tree nila na dinisenyo ng batikan at napakagaling na si Gideon Hermosa.
Pero, mas mapapansin ang ganda ng pamilya Vargas. Hindi lang basta maganda sa panglabas na anyo kundi maganda, masaya at tiwasay ang kanilang pamumuhay na binubuklod ng kagalakan at pagkakaisa.
Kaya naman, habang lumalapit ang mga araw ay pinapaabot ng pamilya Vargas ang kanilang pagbati sa bawat isa.