Tingnan ang masayang mga litrato ng aktres na si Glaiza De Castro at kasintahan nitong si David Rainey

Matatandaan, Sa nakaraang panayam ni Glaiza, inamin niya na mayroon siyang pag-@alinlangan tungkol sa kanyang kasintahan. Gayunpaman, “Noong oras na nag-a@linlangan ako kung talagang siya ba talaga ‘yung tao para sa akin, laging may pinapakita si Lord na pagkakataon para sabihin sa akin na ito’ yung binigay ko para sa ‘yo,” saad nito.

Credit: David Rainey instagram

“Masasabi ko na through David nararamdaman ko rin‘ yung blessing sa akin ni Lord, ‘yung pagmamahal niya sa akin, kasi pinaparamdam niya sa akin kung gaano ko ka-special,” dagdag pa niya.

Credit: David Rainey instagram

Ngayon naman ay ang aktres na si Glaiza de Castro at ang kasintahan na si David Rainey, kamakailan ay naganap ang kanilang shoot ng kanilang engagement sa Ireland. Ang mga larawan mula sa kanilang prenup session kasama ang kasal na litratista na si Paul Doherty ay na-upload o makikita sa kanyang Instagram na @doherty_paul.

Credit: David Rainey instagram

Makikita sa bagong post ni @doherty_paul ang larawan nina Glaiza at David kung saan ang caption nito ay “Absolutely love working with these two @glaizaredux @david_rainey89”

Narito naman ang mga naging komento ng mga netizens sa larawan na ipinost ni Paul,
“Congrats to the both of youu atee dam and kuyaa david!❤” @ gokateee_
“Love this photo of you @glaizaredux and your fiancé.😍 Congrats!” @lulugrammm
“Gorgeous pre nup photo.” @ hotmeninthephilippines

Ang aktres na si Glaiza ay kamakailan lamang ay nag-edad siya ng tatlong pu’t tatlo, at naging engaged kay David noong Bisperas ng Pasko, matapos ang higit sa isang taong pagiging mag- kasintahan ng dalawa.

Ang sorpresang proposal ay naganap sa Ireland din na kung saan pinili ng dalawa na doon din nila itutuloy pa ang pagdidiwang ng mga holidays.

Sa kanyang ig post noong ika – 24 ng Disyembre ng nakaraang taon ay nag caption ito ng, “Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather….it just felt right. 🍾🎄💍” at ngayon kaarawan niya heto ang kanyang caption “Eternally Grateful. #33📸 @doherty_paul”