Tingnan ang masayang mga litrato ni Carlo Aquino kasama ang kasintahan na si Trina Candaza at kanilang anak na si Enola Mithi

Noong June 20, Sunday, ipinagdiwang ang International Father’s Day Celebration kung saan ang araw ng bawat indibidwal ay inialay sa mga ama. Hindi mapagkakaila na sa dami ng mga pangyayaring napapaloob sa bawat araw ay minsan nakakalimutan ng mga taong pasalamatan ang mga magulang.

Credit: Trina Candaza instagram

Kaya ang araw ng mga ama ay isang espesyal na araw na inihahandog sa mga haligi ng tahananan bilang pag-alala at pagpapasalamat sa kanilang mga sakripisy0 at pagmamahal na nagiging pundasyon ng isang pamilya.

Credit: Trina Candaza instagram

Marami nang naging ganap na ama sa industriya ng showbiz. Karamihan sa mga celebrity families ay hindi pinalampas ang pagcecelebrate ng Father’s Day kung saan ibinahagi nila sa social media ang mga greetings para sa mga Celebrity Dads bilang pagdiriwang sa espesyal na araw na ito.

Credit: Trina Candaza instagram

Isa na sa mga ito ay si Trina Candaza na ipinakita ang appreciation sa kaniyang partner na si Carlo Aquino na ama ng kaniyang anak. Sa latest post sa Instagram account ni Trina, ibinahagi niya ang picture nila ni Carlo kasama ang anak nilang si Enola Mithi ilang araw makalipas ang Father’s Day na may simpleng caption na family emoji “👨‍👩‍👧” at naka-tag ang Instagram account ng mag-ama na “@jose_liwanag @enolamithi”.

Credit: Trina Candaza instagram

May dalawa pang picture ang naka-attach sa post, isang litratong magkasama ang mag-amang Carlo at Enola kasunod ang picture na may nakapaloob na meaning ng salitang “dad” na mala-dictionary ang style. Isa sa mga nakasaad dito ay ang isang ama ay provider, hero, at pr0tector.

Credit: Trina Candaza instagram

Bago pa iyon ay may isa pang post si Trina na isang video kung saan mapapanood ang mga compilation ng mga moments ni Carlo kasama ang baby girl. Makikita rito kung gaano ka-focus at iniaalay ni Carlo ang sarili sa kaniyang anak. Ang post na ito ay ibinahagi ni Trina sa mismong Father’s Day.

Credit: Trina Candaza instagram

Ito ang ikalawang Father’s Day celebration ni Carlo. Noong una ay nasa sinapupunan pa ang kaniyang anak at ngayon naman ay ipinanganak na si Enola at nasa ika-9 na buwan na. September 8, 2020 nang ipinanganak si Enola Mithi.

Credit: Trina Candaza instagram

Ang relasyon nina Carlo at Trina ay low-key noon pa man kaya pati na rin ang detalye sa pagbubuntis ay nanatiling pribad0. Maaalalang maraming netizens ang nasorpresa nang ibinalita ni Carlo na siya ay ganap nang ama ilang araw lamang matapos ipanganak si Enola.