Tingnan ang masayang naging kasal ng aktres na si Beth Tamayo at kanyang american boyfriend na si Adam Hutchinson

Kilalang aktres si Beth Tamayo sa kanyang mga naging teleserye at pelikula na Luna Mystika at It Might Be You. At matapos ang ilang panahon ay masaya ng lumagay sa tahimik si Beth.
Inanunsyo na niya ang kanyang kasal. Ikinasal si Beth Tamayo sa kanyang American boyfriend na si Adam Hutchinson.

Credit: @bethtamayo21 instagram

Sa kanyang IG account, ay makikita ang kaniyang mga larawan na kung saan masayang masaya siya na ikinasal sa kanyang asawa noong March 3 sa San Francisco, California. Dito sila namamalagi ngayon.

Credit: @bethtamayo21 instagram

“Getting married during the p@ndemic was quite an experience. Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home. We even used a toolbox as our laptop stand! So classy!” saad ni Beth sa kanyang caption.

Credit: @bethtamayo21 instagram

Naibahagi din ni Beth na isa sa nga pinaplano nila ay ipagdiwang ang kanilang kasal na ito kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya sa mga susunod na araw matapos ang kanilang kasal.

“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever! To everyone who texted us and sent their best wishes, THANK YOU! We feel the love and appreciate you all! Love you guys!” sabi ni Tamayo na puno rin ng pasasalamat sa kanyang mga kaibigan at kaanak na laging nakasuporta sa kanila.

Credit: @bethtamayo21 instagram

Suportado din ang ilan sa mga kaibigan ni Beth sa showbiz gaya ni Judy Ann Santos-Agoncillo na nagpaabot ng kanyang pagbati sa kanyang paibigan. Masayang masaya si Juday para sa kanyang kaibigan at sabi niya, “So happy for you k@betchi!”

Credit: @bethtamayo21 instagram

Matatandaang nag migrate si Beth Tamayo sa US noong 2008. Sa kabila ng kanyang karera sa showbiz, mas pinili ni Beth ang kanyang paglipad sa US bilang bagong yugto ng kanyang buhay. Kaya naman, masaya din si Beth dahil ngayon ay magkakapamilya na siya.

Credit: @bethtamayo21 instagram