Tingnan ang masayang pamamasyal ng pamilya Gutierrez sa Switzerland

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong v@ccinated ay ang pagluwag rin ng mga protoc0ls na ipinapatupad. Kasabay din naman ng mga ito ang pag-tuloy ng mga planong nakansela tulad ng pamamasyal, travel at marami pang iba.

@sarahlahbati instagram

Karamihan sa mga celebrities, tuwing mayroon silang pagkakataong magpahinga galing sa trabaho, pamamasyal ang kanilang paraan upang gugulin ito. Madalas nilang ibinabahagi ang kanilag mga lakad sa kanilang mga iba’t ibang social media accounts.

@sarahlahbati instagram

Isa sa mga celebrities na nagkaroon ng pagkakataong magbakasyon at ialay ang oras sa pamilya ay ang mga Gutierrez. Makikita sa post ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram ang mga pictures na pasilip sa iilang captured moments sa kanilang pagi-stay sa ibang bansa.

@sarahlahbati instagram

May caption ang post na “ready for our Swiss adventure! 🇨🇭 the best and most sustainable way to get around Switzerland is via @sbbcffffs trains. 🚂”. Ang pagpasyal ng pamilya sa bansang Switzerland ay nagsilbing quality time para sa kanilang lahat.

@sarahlahbati instagram

Makikita sa mga pictures sa nasabing post na kompleto ang pamilya. Kasama ng mag asawang Sarah at Richard Gutierrez and kanilang dalawang anak na sina Zion, ang panganay, at Kai ang kasalukuyang bunso. Mapapansin ding kasama nila ang mga magulang ni Sarah na sina Esther at Abdel Lahbati.

@sarahlahbati instagram

Nagpakuha ng litrato ang magpapamilya sa train station pati na rin sa loob ng mismong train. Ito ay sa Lausanne, Switzerland.
Maaalalang noong buwan ng June, may ibinahagi rin si Sarah sa kanyang Instagram na mga pasilip sa pagbisita nila sa Geneva, Switzerland. Dito ay binisita niya ang kanyang ama na nakabase sa mismong bansa kung saan isinama niya ang kanyang dalawang anak pati na rin ang kanyang ina.

@sarahlahbati instagram

Ito ang naging first travel nila pagkatapos ng medyo mahabang panahon ng lockdown dahil sa c0v!d.
Matatandaang, hindi nakasama noon si Richard sa lakad ng pamilya sa kadahilanang mayroon siyang mga work commitments dahil sa mga kasalukuyang project sa industriya ng Showbiz.

@sarahlahbati instagram

Maaaring ngayon ay nagkaroon siya ng oras magbakasyon kaya’t nakasama niya ulit ang pamilya makalipas ang ilang araw at nakahabol sa kanilang family bonding sa Switzerland. Kung bibisitahin ang account ni Sarah ay mas marami pang makikitang post na mga highlights sa kanilang pag-iikot sa Switzerland.

@sarahlahbati instagram

Sa account naman ni Richard, may ibinahagi rin siyang mga moments ng pamilya sa pamamasyal.

@sarahlahbati instagram