Tingnan ang masayang pamamasyal ni Anne Curtis sa Tasmania kasama ang kanyang asawa na si Erwan at cute na anak na si baby dahlia

Sina Erwan Heussaff at Anne Curtis kasama ng kanilang anak na si Baby Dahlia ay nagpunta sa Tasmania upang ipagdiwang ang unang pasko ni Dahlia.

Credit: Erwan Heussaff instagram

Ang mag-asawa ay nagpakita ng mga litrato patungkol sa kanilang pagpunta sa Tasmania sa kani-kanilang mga Social Media Accounts.

Mayroon litrato sa Instagram account ni Anne na sila ng kaniyang anak na si Dahlia ay nasa mistulang isang beach sa Tasmania.

Credit: Erwan Heussaff instagram

Ang litrato ay caption na “My new favorite kind of workout – Hikes & walks with this little girl strapped to me, swinging her happy little feet to and fro ✨ Kinda feels like being pregnant all over again 🤰🏻😂” Ang napakagandang larawan ay kuha ni Erwan.

Credit: Erwan Heussaff instagram

Sa Instagram account naman ni Erwan ay nagpost din siya kasama ng kaniyang mag-ina na sila ay nasa isang beach din. Ang caption naman ng litrato ay “Just third wheeling Anne and Dahlia.”

Sa nasabing post ay maraming netizens ang nawili sa litrato ng pamilya at marami ring nagsasabi na nagiging kamukha na rin ni Dahlia ang kaniyang ina na si Anne.

Credit: Erwan Heussaff instagram

Bagamat maraming nagsasabi na mas kamukha ni Dahlia ang kaniyang ama na si Erwan ay sa mga bagong litrato ni Dahlia ay naguumpisa na rin siyang maging kamukha ng kaniyang ina.

Credit: Erwan Heussaff instagram

Sa isang post ni Anne na naglalaman ng mga litrato ni Dahlia ay sinabi ni Anne caption nito na nagiging kamukha na umano niya ang kaniyang anak.

Credit: Erwan Heussaff instagram

Narito ang eksaktong saad ni Anne, “parang she’s starting to look like me here. Check my stories to see the proof.” Marami ring mga netizens ang sumasang-ayon dito.

Credit: Erwan Heussaff instagram

Sa nasabing post ay maraming mga sikat na personalidad sa Showbiz ang naglagay ng mga komento sa nasabing post tulad nila Bing Loyzaga, Isabelle Daza, Iya Villania, at marami pang iba. Ang kaniyang tiyo na si Nico Bolzico na asawa ni Solenn Heussaff ay nag-iwan din ng komento na, “We miss u Dahlia!”

Credit: Erwan Heussaff instagram