Tingnan ang masayang pamamasyal nina John Prats at Isabel Oli kasama ang kanilang tatlong cute na mga anak

Sa latest post ng isang aktor na si John Prats ay pinapakita sa post ang kanilang family picture kasama ang kaniyang asawa na isa ring sikat na aktres na si Isabel Oli at ang kanilang tatlong anak at may caption na “A house is made with walls and beams; a home is built with love and dreams.”

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Napaka sweet nga naman ng caption na iyon.Talaga nga namang nakakamangha at nakakakilig ang kasiyahan ng kanilang pamilya.

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Marami ring mga fans ang nacurious kung iyon na ba ang pagtatayuan ng kanilang dream house at marami ring namangha dahil napaka ganda ng tanawin nila kung doon sila magpapatayo ng bahay.

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Ang sikat na couple ay ikinasal noong May 16, 2015 at tinagurian ito bilang isang “dyn@mite wedding” at ito na pala ang pangalawang wedding ng mag-asawa dahil nauna na silang nagpalitan ng vows sa Nuestra Senora De La Soledad Parish sa Tanauan, Batangas at nagkaroon pa sila ng isang pang seremonya sa Nayomi Sanctuary Resort sa Balete, Batangas.

Credit: Isabel Oli-Prats instagram

Ang kanilang wedding ay may apat na tema. Ang Church wedding ay may temang winter, ang Christian ceremony naman ay spring, ang lunch reception ay summer, at ang dinner reception ay autumn.

Credit: John Prats instagram

Talaga nga namang sobrang engrande at pinaghandaang mabuti ng couple ang kanilang kasal.Kitang kita sa mga paghahanda nila sa kanilang kasal kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Credit: John Prats instagram

At hindi lang pala isang beses kundi dalawa ang kanilang kasal. Isa nga namang dream wedding ang naganap sa kanilang kasal at maraming tao ang kinikilig, sumosuporta at napapasana all sa kasayahan ng kanilang pamilya, ika nga nila “family goals.”

Credit: John Prats instagram

Ito ang iilan sa mga comments ng mga netizens sa kanilang post “One happy family” – @sweetzelle101 “ang saya siguro ng pamilya na to 3 kids” – @bebkristine “Wow ganda nmn ng view, itatayo nb dream nyo? Congrats. Stay safe & Godbless you the Pratties” – @gina_yap12