Tingnan ang mga nakakatuwang litrato ni Rodjun Cruz at anak nitong si Baby Joaquin

Katulad ng iba pang mga first time celebrity parents, ang mag- asawang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ay laging ibinibida ang kanilang unang anak na si Baby Joaquin sa kanilang Instagram accounts.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Ikinasal ang magaling na aktor at dancer na si Rodjun at TV host na si Dianne noong Disyembre sa taong 2019 matapos na- engage ang mga ito noong 2017. Matatandaang nitong Setyembre ng taong 2020 ay ipinanganak ni Dianne ang kanyang first baby boy nila ni Rodjun at pinangalanan nila ito bilang Rodolfo Joaquin Diego III o kilala sa palayaw nitong Baby Joaquin.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Simula ng ipinanganak si Baby Joaquin ay madalas nang ibinabahagi ng mag- asawa ang mga pictures at videos ng kanilang anak sa kani- kanilang Instagram account at gumawa rin sila ng sariling Instagram account ni Baby Joaquin at doon halos sila nagpo- post ng mga cute moments ng anak.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Makikita sa bawat IGTV post ng mag- asawa na ang kanilang 10-month-old baby ay sobrang energetic at bibong- bibo. Magandang ngiti ang isinasalubong ng anak kapag nakikita niya ang kanyang magulang at excited na excited nitong makita sila.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Sa ibang post nina Dianne at Rojun ay masayang ipinapakita ni Baby Joaquin ang kanyang mga achievements at kaya gawin mag- isa nito. Ibinahagi ni Dianne ang isang video noong kaya nang tumayo mag-isa ni Baby Joaquin at masaya niyang ipinagchi- cheer ang anak.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Sa bawat pictures at videos ni Baby Joaquin ay makikita kung gaano ito unti- unting lumalaki at nagiging mas bibo pa dahil marami na itong natutuklasan sa kanyang paligid at natutunan gawin.
Maraming netizens ang natutuwa sa bawat videos at pictures ni Baby Joaquin dahil lagi lamang itong nakangiti at pinapakita ang kakulitan.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Mapapansin din na nagiging hilig talag ani Baby Joaquin ang pag- sasayaw tulad ng kanyang mga magulang. Ang pag- sasayaw nga ang isa sa mga nagiging bonding ng pamilya lalo na kapag kumpleto ang mga ito at galing sa trabaho kaya naman marami na itong dance moves na alam at lumalabas talaga ang pagka- active nito para makasabay sa magulang.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Kamakailan- lamang ay nagpost ang magulang ni Baby Joaquin sa Instagram account nito ng isang picture kasama ang kanyang Daddy Rodjun habang naka-karga rito. “me and daddy @rodjuncruz” ang caption nito sa letrato. Simpleng- simple pero mapapansin kung gaano nakatingin ng mataimtim si Baby Joaquin sa camera tulad ng kanyang ama.

Talaga namang gustong-gusto ni Baby Joaquin ang naka-karga sa kanyang tatay dahil hindi ito naglilikot at tahimik lamang habang kinukunan ng letrato. Halatang-halata kung gaano ka-lapit at ka-mahal ni Baby Joaquin sa ama.

Marami pang mga masasayang moments ni Baby Joaquin ang ibinabahagi ng mga ito sa sarili mismo nitong Instagram account kaya naman lahat ng fans ni Baby Joaquin at ng kanyang magulang ay laging excited sa mga post nito.