Tingnan ang nakakakilig na civil wedding ni Ms. Universe Philippines 2017 Rachel Peters at kasintahan nyang si Migz Villafuerte

Ikinasal si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters noong July 16 sa isang civil wedding ceremony sa Supreme Court. Ito rin ang araw ng kanilang 7th anniversary. “Celebrated seven years together by making it official,” ito ang caption ni Rachel sa post niya sa kaniyang Instagram.

Credit: Rachel Peters instagram

Makikita sa mga larawan dito na humahawak ng boquet of flowers si Rachel at ang isa naman ay ang kanilang kiss sa ceremony ni Migz. Sa isa pang post nito ay makikitang may litrato din ito kasama ng kanyang asawa. Kitang kita dito ang kanilang singsing at hawak na bulaklak ni Rachel.

Credit: Rachel Peters instagram

“7 years today 💞” ito ang kanyang caption sa kanyang post. Bumati naman ang iilan sa kanyang mga kasama sa nasabing post. Ilan sa mga bumati ay sina MIss Grand International 2016 1st Runner Up Nicole Cordoves, Miss Grand International 2020 1st Runner Up Samantha Bernardo, Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa , Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida at marami pang iba.

Credit: Rachel Peters instagram

Matatandaang na engage si Rachel at Migz nooong November 2019. Noong May 2021, inanunsyo ng mag-asawa na sila ay nag eexpect na ng kanilang kauna unahang anak Si Rachel ay isang model at host. Si Rachel din ang kinoronahan na Miss Universe Philippines 2017 at ipinadala bilang representative ng Pilipinas sa Miss Universe.

Credit: Rachel Peters instagram

Umabot hanngang Top 10 si Rachel sa nasabing pageant. Mayroong resort si Rachel na “Anirada” at bakeshop na “Bake by Hideout” sa Siargao. Si Migz ay kabilang sa pamilya ng politiko sa kanilang probinsya sa Camarines Sur. Si Migz ay ang gobernador ng Camarines Sur magmula nong 2013.

Credit: Rachel Peters instagram

Ang kanyang ama na si LRay Villafuerte ay isang Camarines Sur 2nd District Representative at ang kanyang lolo naman na si Luis Villafuerte Sr. ay naging gobernador at kongresman sa Camarines Sur.

Credit: Rachel Peters instagram