Tingnan ang nakakakilig na kasal nina Yam Concepcion at long time boyfriend na si Miguel Cuunjieng

Matatandaang noong isang buwan lamang nang ginulat ng aktres na si Yam Concepcion ang magandang balita sa publiko ang balitang engage na umano ito sa kanyang long-time at non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

Credit: Yam Concepcion instagram

Sa isang panayaman nito noon sa ABS-CBN news ay ibinahagi ni Yam na siya mismo ang nagaasikaso at nagpa-plano ng mga ka-kailanganin nito para sa kanyang kasal at inamin nitong nasa katapusan ng Hulyo ito ikakasal ngunit wala itong binanggit na eksaktong date ng kanilang kasal ni Miguel kaya naging isang pala-isipan din kung kailan magaganap ang intimate wedding nito sa New York City.

Credit: Yam Concepcion instagram

Nitong Hulyo 25 ay naganap na nga ang pag-iisang dibdib nina Yam at ni Miguel at tuluyan nang naging Mrs. Cuunjieng ang aktres. Isa sa mga imbitado sa kasal ay ang TV personality na si Tim Yap na matalik na kaibigan ni Yam.

Credit: Yam Concepcion instagram

Nagbahagi si Tim sa kanyang Instagram stories ng mga naging kaganapan at pangyayari sa intimate na kasal ng kanyang kaibigan. Makikita sa mga stories nito na ang kasal nina Yam at Miguel ay isang civil wedding rites na at ang tanging mga imbitado lang ay ang mga pamilya ng mag-asawa at ilang mga kaibigan na nasa US din.

Credit: Yam Concepcion instagram

Ang buong seremonyas ay ginanap sa isang boat sa New York City kaya naman talagang isang intimate wedding lang ang nangyari na gustong-gusto ni Yam sa simula pa lamang.
Mapapanood sa mga ibinahaging videos ni Tim Yap na suot-suot ni Yam ang simpleng-simple na white dress at may small hat pa itong suot na talagang bumagay sa simpleng personality ng aktres.

Credit: Yam Concepcion instagram

 

Habang naglalakad ito papunta harapan ng boat ay karga-karga naman ni Yam ang kanyang cute na cute na asa na si Tiny imbis na isang bridal bouquet. Lalong tumingkad ang ganda ni Yam dahil sa napaka-gandang weather na mayroon sila sa araw na iyon dahil habang nagpapalitan ng mga wedding vows ang dalawa ay kasabay ng mga ito ang sunset na nagsilbing magandang view ng kanilang kasal.

Credit: Yam Concepcion instagram

Ang pagpapalitan ng dalawa ng mga wedding vows pati na rin ang newlywed’s first k!ss ang isa sa mga moments na ibinahagi ni Yap sa kanyang Instagram stories. “I’ve always believed that it wasn’t only fate that brought us together. It was our constant effort for each other whether through video calls, leaving voice messages or extra long texts,” saad ni Yam sa asawa.

Credit: Yam Concepcion instagram

Bago pa ikasal ang dalawa ay nagkaroon muna sina Yam at Miguel ng anim na taong relasyon ngunit sa anim na taong iyon ay madalas na mag-kahiwalay ang mga ito dahil sa layo ng kanilang pinanggalingan kaya naman sa anim na taon ng kanilang relasyon ay nagkaroon sila ng Long distance relationship.

Credit: Yam Concepcion instagram

Ngunit kahit na ganoon ay hindi naging hadlang ang kanilang pagkaka-hiwalay ng matagal sa kanilang relasyon bagkus, ito pa ang naging dahilan kung bakit mas tumibay pa ang kanilang relasyon.

Credit: Yam Concepcion instagram