Tingnan ang nakakatawang litrato ni Billy Crawford kasama ang anak na si Baby Amari

Matatandaang matagal- tagal ring pinag- usapan ng mga netizens ang panganganak ng artistang si Coleen Garcia-Crawford at kanyang celebrity husband na si Billy Crawford sa kanilang panganay na anak.

Ibinahagi noon ni Coleen at Billy sa kanilang Instagram post ang mga larawan ng panganganak ni Coleen sa pamamagitan lamang ng waterbirth na ikina- bilib ng nakararami dahil eto ay unusual at malayong- malayo sa tradisyonal.

Credit: Billy Crawford instagram

Amari ang ipinangalan ng mag- asawang Crawford sa kanilang unang anak na lalaki. Maraming reaksiyon ang ibinahagi ng mga netizens sa naging paraan ng panganganak ni Coleen dahil napaka- tapang umano nito at pinili ang ganitong paraan.

Credit: Billy Crawford instagram

Hindi kalaunan ay marami nanamang mga netizens ang nabigla dahil ibinahagi ni Coleen ang pagkain ag pag- gawa ng kaniyang sariling fruit smoothie na gawa sa kanyang sariling placenta pagkatapos nitong ipanganak si Baby Amari. Para kaagad umano nitong makuha at bumalik ang kanyang enerhiya sa panganganak at inamin naman nito na may naging magandang epekto ito sa kanyang katawan.

Credit: Billy Crawford instagram

Samantala, kaagad namang ibinida ng mag- asawa ang kanilang panganay na anak sa kani- kanilang Instagram account na umani ng magagandang reaksiyon at nagbigay ng ngiti sa mga netizens ay kapwa celebrity ng mga ito. Makikita sa bawat ipino- post ng celebrity couple na sina Coleen at Billy na isa talagang bouncing baby boy ang kanilang anak dahil mapapansin kung gaano ito kalusog at ka- energetic.

Credit: Billy Crawford instagram

Hindi naman maipag- kakaila na sobrang cute na cute ni Baby Amari sa kanyang mga raw photos at videos at lalo naman sa kanyang mga baby pictures sa kanyang photoshoot na labis na ikinatuwa ng mga netizens dahil nagpapakita talaga ito ng cuteness overload. Kaya naman hindi na bago sa mga netizens ang pag- babahagi ni Billy ng mga pictures nila kasama ang kanyanghanak na si Baby Amari.

Credit: Billy Crawford instagram

Sa latest post niyo ay talaga namang makikitang walang kupas pa rin ang ka cute’an ng anak.
Sa pagkakataong ito makikita sa mga letrato ang pagkukulitan ng mag- ama na may suot pa na matching shirts na kulay dilaw.

Credit: Billy Crawford instagram

“My son will be a very good athlete, I’m pretty sure of it! 😂🤦‍♂️ #s@pul” ayon sa caption ni Billy.
Nasabi ni Billy na siguradong- sigurado ito na magaling na atleta ang anak dahil makikita sa letratong ipinost nito na siniko siya ang anak at sapul na sapul ito sa kanyang ilong.

Nakakatuwang nakunan ang maganda at nakakatuwang moment nito ng mag- ama sa camera. Muli, maraming netizens nanaman ang naaliw dito. Si Baby Amari ngayon ay 10 month-old na at dahil Mother’s Day nito lamang Mayo ay ipinag- diwang ng pamilya ang kauna- unahang taon ni Coleen bilang isang ina.