Tingnan ang nakakatuwang bonding ni Baby Dahlia at Baby Thylane sa tabing dagat ng boracay

Isa ang ating mga pinsan sa mga nagiging kadikit, kalaro, childhood friend, at nagiging partners in crime paglaki. Sila ang isa sa mga taong nagiging ka close natin mula pagkabata hanggang paglaki.
Kaya naman, marami sa mga magpipinsan ang talagang napaka close dahil na rin sa mga bonding moments na nabubuo sa kanila mula pagkabata.

Kung usapang closeness din naman, siguradong magiging close ang dalawang magpinsan na ito na sina Baby Thylane at Baby Dahlia. Si Baby Dahlia ay anak ni Erwan Heussaff at Anne Curtis, habang si Baby Thylane naman ay anak ni Solenn Heussaff, na kapatid ni Erwan at si Nico Bolzico.

Sa mga naunang pictures ni Anne noong nakauwi sila sa Pinas ay makikita na sila ay namasyal sa isla ng Boracay. Sa kanilang pamamasyal dito, ay makikita na magkasama ang kani-kanilang mga pamilya.
At kapansin-pansin dito ang napaka close na bonding ng magpinsan na Dahlia at Thylane. Mula pa noong sa Boracay, happy playmates na ang dalawa.

Sabay pa silang magbreakfast kaya naman magiging close sisters talaga ang dalawa.
Dito naman sa latest photo nila sa IG makikita ang enjoy na enjoy na bonding ng dalawang magpipinsan sa beach. Talagang di na malaghihiwalay ang dalawa. “Cuzzies and besties for life. 👯‍♀️
Swipe to see them sh00kt. 😂

One day we’ll get a piccie of both of them looking at the camera! @solenn and I tried our best to be hype girls for @erwan but 🤷🏻‍♀️ Missing the Singapore crew!!! @vavismall,” saad ng IG post.

Sa isang post naman ni Erwan, makikita si Erwan na hawak hawak ang dalawa. Mahimbing ang tulog ni Thylane at Dahlia sa paanan ni Erwan. Talagang enjoy na enjoy at napaka komportable nila dito.

Kaya naman, tuwang tuwa ang mga netizens sa napaka cute na larawan nila Erwan at ng dalawang mga kids. Nakaka good vibes nga naman talaga ito.