Tingnan ang nakakatuwang kulitan moments ni Baby Amari at Tamomo

Sa latest post ni Coleen Garcia Crawford, makikita ang kanyang video kasama ang dalawang napakacute niyang mga babies. Una ay ang kanilang anak ni Billy Crawford na si Baby Amari, at ikalawa ay ang kanilang napakacute na doggy na si Tamomo.

Ang bilis nga namang lumaki ni Amari. Parang kailan lang nang updated tay0ng lahat sa pagbubuntis at sa buong pregnancy journey ni Coleen. At sa paparating na September 10, ay magdiriwang na ulit si Amari ng kanyang 2nd birthday. Hindi ba’t napakabilis ng panahon?

Ngayon, napakacute at bibo na ni Amari. Sa video na ito, makikita na tila nagkukulitan si Amari at si Tamomo. Makikita si Amari na tila tinitignan ang napakacute na si Tamomo at tila tumitili sa tuwa.
Pinapanood naman sila ni Coleen at maririnig si Coleen na tuwang tuwa sa dalawa.

Bibong bibo si Amari at makikita na close din ang dalawa. Gaya ng kanyang mga magulang, alaga na din ni Amari si Tamomo.

Siguradong paglaki nito ay dog lover din si Amari na namana niya sigurado sa kanyang mga magulang.

Nakakabilib nga naman ang pamilya Crawford. Makikita kung gaano kaalaga si Coleen sa kanyang mag-ama habang si Billy ay masasabi mo nga namang great provider talaga.

Blessed na blessed si Amari sa kanyang mga magulang na puno ng pagmamahal sa kaniya.
Maging mga netizens ay bilib na bilib kina Coleen at Billy sa kanilanh masaya at tiwasay na pamilya.

“You’re such a good mother ms. Coleen for raising ur child so well hope amari will bring his very good manners even at his older age”

“Congratulations too Ms Coleen Galing mo po maging mother at wife Absolutely Gorgeous 😘😘😘”

“He’s so handsome. Great combination between the parents for sure”

“ur so charming and so gwapo amari like ur daddy billy,keep safe,god bless u”

“He is sooo 🥰 cute I get to follow him kasi sobrang smart sya…❤️”