Tingnan ang nakakatuwang photosh00t nina Vin Abrenica at Sophie Albert kasama ang cute nilang baby

Ang apelyidong Abrenica ay familiar sa pandinig ng mga Pilipino lalong- lalo na sa mga all-time viewers ng Philippine television dahil sa dalawang magkapatid na sina Aljur Abrenica at Vin Abrenica na parehong pinasok ang mundo ng showbiz.

Credit: Niceprintphoto instagram

Matatandaang unang nakita at napanood sa TV si Vin Abrenica nang naging isa ito sa mga contestant ng talent search show sa TV5 na pinamagatang Artista Academy na umere noong 2012.
simula nang maging parte si Vin ng talent searc show na ito ay marami na itong naging taga- hanaga dahil marami nang tao ang nakakilala sa kanya kaya naman dito nag- umpisang umarangkada ang kanyang career sa pag- artista.

Credit: Niceprintphoto instagram

Isa rin sa rason kung bakit mas nakilala ito ng publiko ay dahil isa siya sa mga nanalo sa Artista Academy at kasabay nitong nanalo ang naging fiancé niya ngayon na si Sphia Albert na naging magaling na artista rin at nakilala sa kanyang taglay na talent at natural na ganda.

Credit: Niceprintphoto instagram

Nagsimula ang pag- mamahalan at ang relasyon nina Vin at Sophia noong 2013 nang magka- mabutihan at nag-kasama sa iisang show na Artista Academy kung saan parehong nanalo ang dalawa. Ngunit matapos ang tatalong taon ay napagdesisyunan ng magka-sintahan na itigil muna ang kanilang relasyon upang mas magkaroon ng oras at makapag-focus sa kani- kanilang career at personal na buhay.

Credit: Niceprintphoto instagram

Hindi naman binigo ng dalawa ang isa’t isa dahil sa pagkakataong ito ay pang habang buhay na ang kanilang pagmamahalan nang ibahagi nila sa publiko ang balitang engage na ang mga ito nitong 2020 lamang.

Hindi kalaunan ay ni-reveal ni Sophie sa publiko na magli-l!ve in na sila ni Vin nitong February ngunita hindi lamang ang balitang iyon ang ibinahagi at ni-reveal ni Sophie dahil sa buwan din iyon ay ibinahagi nito ang magandang balita na mag-kakaanak na sila ng kanyang fiancé.

Credit: Niceprintphoto instagram

At nitong March lamang ay ipinanganak na ni Sophie ang kanilang first baby ni Vin na isang baby girl at ipinangalanan nila ito bilang Avianna Celeste. Kamakailan-lamang ay nagkaroon ng unang family picture ang pamilya sa kanilang mismong bahay upang i-celebrate na rin ang ika-tatlong buwan ni Baby Avianna.

Credit: Niceprintphoto instagram

“Sharing with you our shoot for this beautiful family! @vinabrenica @itssophiealbret and Avianna Shot at the comfort of their home,” ayon sa caption ng Nice Print Photography nang magbahagi ito ng mga family pictures nina Vin at Sophie.

Makikita sa mga letrato na ang mag-fiancé at ang kanilang first baby na si Baby Avianna at nakasuot ng all-white outfits habang masayang naka-pose sa harap ng camera kasama rin ang kanilang aso na si Ginger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

Nakakatuwang tignan ang kanilang mga letrato dahil mararamdaman ang energy ni Baby Avianna habang kinukunan ito ng letrato at hindi rin naman nagpahuli si Ginger dahil masunurin at tahimik din itong nag-pose sa harap ng camera.