Tingnan ang nakakatuwang sweet na sweet na litrato nina Vic Sotto at Talitha Sotto

Ngayong nasa gitna tayo ng pandemya at laging nasa bahay, ang ating mga pamilya ang lagi nating nakakasama kaya naman maraming Pilipino at iba pang kilalang personalidad sa mundo ng showbiz ang masaya rin dahil mas nagkaroon ang mga ito ng oras upang makasama at makapag-bonding sa kani-kanilang pamilya.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Isa rito ay ang tinaguriang ‘Bossing’ ng longest running television show na Eat Bulaga, walang iba kung hindi si Vic Sotto. Mula nang umere ang noon time show na Eat Bulaga ay lagi nang napapanood si Vic Sotto kaya naman maraming mga Pilipino at netizens ang nakaka-kilala rito.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Maraming Pilipino ang nakaka-kilala rito dahil sa galing niya rin sa pag-kanta, pag-arte at pagpapa-saya ng mga tao kaya naman hindi na nakakapag-takang maraming oportunidad ang nagbukas para rito. Sa kabi-kabilang hectic schedule nito ay hindi pa rin nakakalimutan alagaan ni Bossing ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang three-year-old na anak kay Pauline Luna.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Hindi na lingid pa sa kaisipan ng mga dabarkads ang iba pang mga anak ni Bossing maliban kay Talitha o mas kilala bilang Tali ngunit ngayon ay mas nagkaroon ng oras at pagkakataon si Bossing upang makapag-bonding at mas magkaroon ng quality time sa kanyang mga anak at apo lalong-lalo na sa kanyang bunso na si  Baby Tali.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Hindi na pinalagpas ni Bossing ang pagkakataong makapag relax siya sa kanilang bahay matapos ang ilang dekadang pagta-trabaho sa harap ng telebisyon lalo na at nagkaka-edad na ito, kaya naman mula nang magsimula ang pandemya ay mas nagkaroon ng magandang relasyon ang mag-ama dahil mas nakakasama na ni Baby Tali ng matagal si Bossing.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Lalo pang naging malapit ang mga ito sa isa’t isa na ikinasaya talaga ni Pauline. Makikita naman sa bawat post nito sa kanyang Instagram account kung paano mag-bonding ang kanyang asawa at unica hija dahil laging ready si Pauline upang kuhanan ang mga ito ng letrato kapag mayroong pagkakataon.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Kamakailan-lamang ay nagpost nanaman si Pauline ng mga letrato nina Bossing at Baby Tali kung saan makikitang karga-karga ni Bossing ang kanyang cute at makulit na three year old baby.
Makikita sa mga letrato kung gaano ka-close at ka-lapit si Baby Tali sa kanyang ama dahil enjoy na enjoy nito ang pagpapa-karga kay Bossing.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Nagpakita pa ito ng mga nakaka-gigil na mga ngiti na talagang nagpa-dagdag sa cuteness overload na hatid nito. Sa dulo naman ng mga letrato ay makikitang binigyan ni Baby Tali ng matamis na h@l!k sa pisngi ang kanyang ama talaga namang sweet na sweet ang mga ito. Kaya naman hindi mapigilan ni Pauline na ibahagi ang momenst na ganito sa publiko at makaramdam ng labis na saya.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram