Tingnan ang nakakatuwang sweet photos nina Baby Fiore at tita nitong si Alessandra De Rossi

Kamakailan lamang ay nagpost ng larawan ang 36 years old aktres na si Alessandra De Rossi sa kanyang Instagram account kung saan kasama nya si baby Fiore. “Fiore: Zia, I have pr0blemz! What is double chin?! Me: uhm…. It’s a family pr0blem,” aniya sa caption ng post.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Si baby Fiore ay anak ng kapatid ni Alessandra at aktres din na si Assunta De Rossi.
Matatandaan noong Mayo 2020 ay inanunsyo ni Assunta na sa wakas ay buntis na siya pagkatapos ng labing anim na taon na pagkakakasal sa asawa nito na si Jules Ledesma.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

“Getting pregnant the natural way with my0ma and end0metri0sis (which I both have) is extremely diff!cult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!” ang sabi ni Assunta sa isang panayam.

Oktubre naman ng nasabing taon ay ipinanganak ni Assunta ang miracle baby na si Fiore.
Mula noon ay madalas nang makita si baby Fiore sa mga Instagram post ng kaniyang Tita Alessandra, mula sa kaniyang pagkasilang, tuwing month birthday nito, pakikipaglaro, at sa iba pang bagay.
Masasabing siya na ang tumatayong pangalawang ina ng bata.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Sa isang panayam, sinabi ni Alessandra na nag-alok siya na maging surrogate para sa kaniyang ate.
“Nung nagpa-IVF siya tapos hindi nag-work, may dalawa pa siyang eggs na natitira. Tapos sabi niya, ‘Ayaw ko na siya pagdaanan. Ayaw ko na pagdaanan iyong feeling. Sabi ko, ‘Gusto mo ba ako nalang magdala? Wala naman din akong direksyon sa buhay.’”

“Willing ako pero tinawanan lang niya ako. So hindi ko alam kung kinonsider niya ba in her head,” dagdag pa nito. Sa isang taon na agwat ng magkapatid na De Rossi ay sobrang malapit sila sa isa’t isa, kaya pinangalanan ni Assunta ang kaniyang anak kay Alessandra. Ang Buong pangalan ni baby Fiore ay Giuilia Fiorentina Alessandra Ledesma.