Tingnan ang nakakatuwang sweet photos nina Daddy JC at Baby River

Nauso ngayon sa mga celebrity parents ang gawan ang kanilang mga anak ng sariling account sa social media kung saan sila mismong mga magulang ang naghahandle. Dito makikita ng mga followers ang mga updates tungkol sa mga babies.

Credit: JC Santos instagram

Tulad na lamang nina JC Santos na isang personalidad sa Industriya ng showbiz, ginawan din nila ng kanyang partner na si Shyleena Herrera ng sariling account ang anak nilang si River Aletheia (river.aletheia). Sa latest post sa kanyang account ay makikitang “matchy” o “twinning” ang mag-ama pagdating sa kanilang pose lalo naman sa buhok.

Credit: JC Santos instagram

May caption ang post na “Only daddy knows how to fix this hair. 😁 #messyhairdontcare”. Masasaksihan sa post na ang daddy JC niya mismo ang nag-aayos sa buhok ng baby girl.
Hindi lang ang kanilang mga facial features ang “carbon copy” kundi pati na rin ang buhok nila. Gayang- gaya nila ang hairstyle ng isa’t isa.

Credit: JC Santos instagram

Tila si JC lagi ang nag-aayos sa buhok ng anak dahil kung paano niya ayusin ang kanyang buhok ay ganoon din ang pagka-ayos sa anak kaya naman madali lang gawin ito para sa kanya. Makikita naman sa comment section ang mga comments ng mga followers sa Instagram ng baby girl.
“Mini me ni Daddy ❤️😊” ang sabi ng netizen na may username na “@jopaczcoffee”
“Twins “at may isang heart emoji ang comment naman ng Instagram user na si “@alyssandramedina_”

Credit: JC Santos instagram

Si JC Santos ay isang sikat na personalidad sa Industriya ng showbiz. Siya ay nakilala sa mga projects niya kung saan ipinamalas niya ang kanyang galing sa pag-arte. Hindi lamang ang kanyang galing ang tumatak sa mga tao kundi pati na rin ang kanyang hairstyle. Isa sa mga naaalala ng mga tao sa kanya ay ang kanyang Iconic hair na kulot at medyo mahaba.

Credit: JC Santos instagram

Noon pa man ay mayroon na siyang mahabang buhok kaya naman sanay na siyang mag-ayos ng ganoong buhok na tulad sa kanyang anak. Noong January 2020 nang in-announce ni JC na ang kanyang non-showbiz partner na si Shyleena Herrera ay nagdadalang-tao sa kanilang first baby.

Credit: JC Santos instagram

Buwan naman ng March nang ipakilala niya ang kanyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post. Makikita sa nasabing post na iyon na siya ay nasa outdoors buhat ang baby girl para mag sunbathing ito. Talaga nga namang na-eenjoy ni JC ang “dad life” at masayang ginagawa ang kanyang mga “daddy duties”.