Tingnan ang napakacute na anak ng basketbolistang si Peter June Simon

Ang pagkakaroon ng anak nga ang isa sa pinaka magandang biyaya na maitutuing ng mga mag asawa. Ito ang siyang nakapgbibigay sigla sa bawat tahanan at mas nakapag papatibay sa pag iibigan ng bawat magkabiyak.

Credit: Peter June Simon instagram

Ganap ng mga magulang ang former beauty queen na si Jezha Huelar at ang retired basketball player nitong asawa na si Peter June Simon o mas kilala bilang PJ Simon sa showbiz.
Masaya nilang iniwelcome ang kanilang unang anak na isang napakacute at napaka lusog na baby Boy.

Credit: Peter June Simon instagram

Ibinahagi ni Pj sa kanyang social media account ang isang larawan kung saan makikita siyang maingat na binubuhat ang kanyang anak habang kinukuhanan sila ng larawan.
Kitang kita sa ngiti ni Pj ang saya habang kalong ang anak, at sa caption, sinabi nito na “Priceless! May God Bless You My Little Angel.”

Credit: Peter June Simon instagram

Kaagad namang binuhos ng pagbati mula sa mga fans at malalapit na kaibigan ng mag asawa ang nasabing post at inilahad kung gaano sila kasaya para sakanila.
May bigat na 3.045 kg ang bata na isinilang ni Jezha Huelar noong Lunes, March 1. Isinunod ng couple ang pangalan ng kanilang panganay kay Pj at pinangalan itong Peter Jeidon Simon.

Credit: Peter June Simon instagram

Samantala, sa instagram account ng former beauty queen, makikita na ibinihagi nito ang mga larawan na kuha mula sa kanyang maternity photo shoot. “Embarking on a new chapter of our life… so beautiful beyond description,” wika nito sa kanyang caption.

Credit: Peter June Simon instagram

Nakilala si Jezha matapos nitong masungkit ang koronang Bb Pilipinas Supranational noong 2018 kung saan nakasama niya sina Michelle Gumabao at Eva Patalinjung na inirepresenta ang Pilipinas sa Miss Globe at Miss Grand International.

Credit: Peter June Simon instagram

Si Pj Simon naman ay nakilala sa pagiging professional basketball player na nakapaglaro ng 16 seasons sa PBA. Matatandaang May 2019 ng ikinasal ang dalawa sa Tagaytay na dinaluhan ng mga sikat na beauty queens at mga kilalang basketball player sa bansa.