Tingnan ang napakacute na Baby ng aktres na si Roxanne Barcelo

Tulad ng iba pang personalidad sa telebisyon, ang magaling na singer at aktres na si Roxanne Barcelo ay masayang-masaya na sa kanyang binubuong pamilya na isa sa mga pangarap nito. Nitong Hunyo lamang ay ipinanganak na ng aktres ang kanyang first baby at ito ay isang baby boy na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Matatandaang sa kanyang vlog noong Abril ay ini-reveal nito sa kanyang Youtube Channel na siya ay nagdadalang-tao na sa edad na 36 years old. Kamakailan-lamang ay nagpost si Roxanne ng mga letrato kasama ang kanyang unico hijo na si Baby Cinco sa kanyang Instagram account.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Sa mga unang letrato ay karga-karga ni Roxanne si Baby Cinco na cute na cute sa kanyang white panda design overall na damit habang ang aktres ay walang kupas pa rin ang ganda dahil sa kanyang matamis na ngiti sa harap ng camera.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Kahit ilang buwan pa lamang mula nang ipanganak ni Roxanne si Baby Cinco ay talaga namang fresh na fresh ito at lalong naging blooming dahil halata namang masayang-masaya ito sa pagiging ina.
“I love you” saad ng aktres sa kanyang caption. Simpleng-simple pero mararamdaman talaga ang kanyang labis na pagmamahal para sa anak.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Sa dulo ng mga letrato ay makikita naman ang close up picture ni Baby Cinco kung saan nangibabaw ang kanyang matambok at malambot na mga pisngi na naka-dagdag sa cuteness na ibinibigay nito sa mga netizens na nakakakita ng kanyang letrato.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Kaya naman sino nga ba ang hindi mapapa-ngiti kung isang Baby Cinco ang sasalubong sa Instagram feed ng mga netizens? Matatandaang noong Disyembre ng nakaraang taon ay ni-reveal ni Roxanne sa publiko na ikinasal na ito sa kanyang non-showbiz boyfriend at ibinahagi niya ang mga wedding pictures sa kanyang Instagram account.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Ngunit hindi nito ni-reveal ang eksaktong date, lokasyon at iba pang naging detalye sa naging kasal nito. Dahil kahit na siya ay isang artista ay minabuti ni Roxanne na maging pribado sa mga iba pang detalye ng naging kasal at hanggang ngayon ay isa pa ring pala-isipan kung sino at ano ang pangalan ng kanyang naging non-showbiz husband.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Kahit na hindi pa ipinapa-kilala ng aktres ang kanyang asawa sa publiko, masayang inirerespeto ito ng kanyang fans at ng mga netizens na ikinatutuwa ni Roxanne.