Tingnan ang napakaganda at b0nggang kasal ni Ara Mina at asawa nitong si Dave Almarinez

Si Ara Mina ay kilalang- kilala ng mga Pilipino dahil sa kanyang natural na galing sa pag- arte sa mga iba’t ibang teleserye at pelikula noon kaya naman naging sikat at isa sa mga in- demand na aktres si Ara sa Philippine showbiz Industry.

Credit: Niceprintphoto instagram

Sa murang edad ay ipinamalas at ipinakita na ni Ara Mina ang kanyang angking talent sa pag- arte at sa pag- kanta. Ang tunay na pangalanan nito ay Hazel Pascual Reyes o kilala bilang sa stage name nito na Ara Mina.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ito ay kilala bilang isang magaling na singer, aktres at endorser sa Pilipinas. Matatandaang nagsimula ang career nito sa showbiz nang maging parte ito ng isang youth- oriented program na pinamagatang “That’s Entertainment sa edad na 14 years old lamang.

Credit: Niceprintphoto instagram

Simula nang maging parte si Ara sa programang That’s Entertainment ay nagsimula nang makilala ng mga viewers si Ara kaya naman nagkaroon ito ng marami pang mga proyekto at oportunidad sa showbiz upang maipakita niya ang kanyang tunay na galing sa pag- arte.

Credit: Niceprintphoto instagram

Kaya naman hindi kalaunan ay naging parte siya sa mahigit 40 na television shows at 60 na pelikula noon sa kanyang buong career sa showbiz dahil dito ay mas nakilala siya ng nakararami.

Credit: Niceprintphoto instagram

 

Ngunit dahil sa kanyang ipinamamalas na galing sa pag- arte ay marami rin itong natanggap na mga awards sa pag- aacting. Isa na rito ay nang matanggap niya ang pagiging Best Actress sa palabas na “Mano Po” sa Metro Manila Film Festival noong 2002 kung saan nakasama niya ang magaling na aktres na si Vilma Santos.

Credit: Niceprintphoto instagram

Nakatanggap din ito ng acting awards sa FAMAS, Golden screen awards, Star awards at iba pang mga awards sa mga dumaang Manila Film Festival noon. Sa mga wards palang na nabanggit ay talaga naman masasabi mong magaling talaga sa pag- arte si Ara.

Credit: Niceprintphoto instagram

Hindi lamang sa pag- arte nakilala si Ara kung hindi pati na rin sa kanyang galing sa pag- awit kaya naman ang kanyang mga kanta ay talagang naging hit songs na umani rin ng parangal.
kamakailan- lamang ay ibinahagi ng Nice print photo sa kanilang official Instagram account ang mga magagandang official wedding pictures ni Ara Mina at kanyang asawa na si Dave Almarinez.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ang Nice print photo ay kilala bilang isang magaling na photographer at tulad ng iba pang mga pictures na kunuhanan nito ay lumabas ng maganda ang mga letrato ng newlywed couple.
Sa mga letrato ay makikita kung gaano ka engrande ang naging kasal ni Ara sa Baguio kahit na ito ay isang intimate wedding lamang.

Credit: Niceprintphoto instagram

Mapapansin din sa mga ipinost ng Nice print photo kung gaano ka- bagay ng mag- asawa ang kanilang mga suot. Dalawang look ang ibinida ng mag- asawa. Sa kanilang unang picture ay nakasuot si Ara ng isang napakagandang ball gown at naka dark blue tuxedo naman si Dave na talaga namang bagay na bagay ng mag- asawa.

Credit: Niceprintphoto instagram

Sa pangalawang look ng mga ito ay binigyan tayo ng mas sophisticated look ng mag- asawa. Nakasuot si Ara ng napakagandang long white evening dress at si Dave naman ay suot suot ang White tuxedo at black inner longsleeves polo na parehong gawa ng kilalang fashion designer na si Francis Libiran.

Credit: Niceprintphoto instagram