Tingnan ang napakagandang 18th birthday celebration ni Jayda Avanzado

Mapapanood na ang video highlights ng 18th birthday ni Jayda Avanzado. Inupload ito ng Nice Print Photography sa kanilang Youtube Channel noong Biyernes, July 2.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ginamap ang debut ni Jayda sa Okada Manila sa Parañaque. Kasama niyang nagcelebrate ang mga Kapamilya Star at ang kanyang mga magulang na sina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado.

Credit: Niceprintphoto instagram

Kasama sa mga celebrities na andito ay sina Francine Diaz, Robi Domingo, Bugoy Drilon, Inigo Pascual at marami pang iba. Nagbigay ng sh0rt speech ang ina ni Jayda sa toast ng birthday nito at ito ang kanyang sinabi “I’m so proud of you anak. Alam ko yung hard work mo grabe. Bilib ako sa work ethic mo, sa lahat ng ginagawa mo. Andito lang kami lagi ni Dad sa likod mo. I love you my baby.”

Credit: Niceprintphoto instagram

Hiniling naman ng ama ni Jayda ang kanyang tagumpay sa karera nito bilang singer.
“Jayda, here’s to more success to your career.

Credit: Niceprintphoto instagram

Here’s to a blossoming young lady, may you be blessed in your career, I’m not going to say in your love life yet but … lahat yan sa tamang panahon. Wishing you all the success, may your journey be great, and all the people here, are drinking to you because they all believe in you from the very start,” Ito ang sambit ni Dingdong


Credit: Niceprintphoto instagram

Sa ngayon, pinagkaka abalahan ni Jayda ay ang kanyang pag promote sa debut album nito na Bahagi at ng kanyang lead single na “Tunay”. Available na ang kanyang lead single sa mga streaming platforms Apple Music, iTunes, Spotify, Deezer, at YouTube. Kakatapos lang din naman ng kanyang first major concert na “Jayda in Concert.

Credit: Niceprintphoto instagram

Siya ay mag 18 years old noong June 1. Marami namang nagkomento sa nasabing video at narito ang kanilang mga komento. “Napakaganda tlaga ni Jayda 😍 Finally 18.. yieeee queen 💗”
“One of the iconic voice Jayda just like her mother♥️” “omg she’s so pretty! Btw Happy Birthday to the debutante”

Credit: Niceprintphoto instagram