Tingnan ang napakagandang anak ni Phoemela Baranda na si Kim Baranda

Ang dating Pinoy Big Brother ‘All in’ housemate na si Kim Nicole Baranda ay kinabibighanian ng maraming tao dahil sa kaniyang angking kagandahan at sa kaniyang kakaibang awra na nakapupukaw ng atensyon ng mga netizens.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Makikita sa mga instagram post ng dalaga kung gaano ito kaganda at mala modelo ang kaniyang datingan. Talaga nga namang manang mana ito sa kaniyang ina na si Phoemela Baranda na isang sikat na TV Host at modelo.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Ang dalaga ay isa sa mga pinakamaraming followers sa mga social media sites ngayon dahil siya ay nagpapakita ng kakaibang confidence tulad ng isang Modern Filipina na hinangaan ng nakararami.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Ngayon ay nagbibigay aliw si Kim Baranda sa entertainment app na Tiktok. Siya ay naguupload ng mga cute na videos na nagsshowcase ng kaniyang appeal at kagandahan.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Sa tiktok rin ay ibinabahagi niya ang mga sweet at kwelang moments niya kasama ang kaniyang ina. Di naman mapagkakaila ang closeness ng dalawa lalong lalo na sa mga contents na ipinopost nila sa mga social media.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Naging mak0ntrobersyal man ang pag-amin ni Phoemela na mayroon siyang “secret” daughter na si Kim Baranda ay hindi parin mapagkakaila na wala talagang tatalo sa mother-daughter bond nila.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Noong taong 2013 ay ibinahagi ni Phoemela sa isang TV interview na si Nichole ay anak niya at nagdalang tao siya noong siya ay 19 na taong gulang pa lamang.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Ayon kay Phoemela ay lumaki si Kim Nicole na iniisip na sila ay younger sister lamang ng kaniyang ina dahil si Kim ay lumaki sa piling ng kaniyang lola na ina ni Phoemela.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Nang mamatay umano ang ina ni Phoemela ay doon nya napagdesisyunan na gampanan ang kaniyang responsibilidad sa kaniyang anak at simula noon ay tila ba hindi na mapaghiwalay ang dalawa.

Credit: Kim Nichole Baranda instagram

Nakaexperience man sila ng mga komento ukol sa kontr0bersyal na pag-amin nila na iyon ngunit hindi nila hinayaan na magpasira ito sa kanilang relasyon bilang mag-ina.