Tingnan ang napakagandang family photos nina Billy Crawford,Coleen Garcia at kanilang baby na si Amari

Talaga nga naman na sa ating mga Pilipino na napakalaki ng pagpapahalaga natin sa ating mga pamilya.

Credit: Coleen Garcia-Crawford instagram

Kahit mayroon nang kanya kanyang pamilya, kapag may reunion ay talaga naman na maasahan mo ang buong pamilya. Hindi lang dito nasusukat dahil pati rin sa panahon ng nangangailangan ay makikita mo kung paano magkaisa ang pamilyang Pilipino.

Kahit saan at kahit kailan nandyan ang pamilya para sa isa’t isa. Napakaraming depinisyon ng pamilya. Depende sa ating pananaw kung paano ito bibigyan ng kahulugan.
“Family is everything ❤️” para sa aktres host at model na si Coleen Garcia iyan ang kahulugan ng pamilya para sa kanya.

Credit: Coleen Garcia-Crawford instagram

Ito ang naging caption niya noong nagpost siya kasama ang kanyang asawa na si Billy Crawford at ang kanilang bagong silang na baby na si Amari Garcia.
Kanila namang ipinaliwanag kung bakit Amari ang kanilang ipinangalan sa kanilang interview ng kanilang dating co host na si Vice Ganda.

Credit: Coleen Garcia-Crawford instagram

“Matagal na sa ulo ko ang Amari. Sabi ko lang sa kanya before pa na kapag nagkaroon kami ng lalaki, gusto ko ipangalan Amari. Ni-research ko yung pangalan. Kapag babae, promised by God. Kapag lalaki naman, it means strength,” ito ang naging pahayag ni Billy kung bakit Amari ang kanilang ibinigay na pangalan.

Credit: Coleen Garcia-Crawford instagram

Matatandaang nagumpisang mag date ang dalawa noong sila pa ay host sa variety show ng ABS CBN na “It’s Showtime” noong 2014. Sila ay na engaged noong December 20 2016 at ikinasal noong April 20,2018.

Credit: Coleen Garcia-Crawford instagram

Nasabi naman ni Billy na siya din ay nagpapasalamat ng sobra dahil sa biyayang naibigay “Sobrang araw-araw ako talaga nagpapasalamat sa Diyos na biniyayaan kami.

Credit: Coleen Garcia-Crawford instagram

Hindi ka lang makapaniwala. Alam natin na lahat tayo may pinagdadaanan sa buong mundo. Pero yung mafi-feel mo sometimes na, ‘Lord alam kong hindi ko deserve ito pero binigay mo pa rin,’ doon ako talaga nagpapasalamat. Hiningi ko, binigay niya,”