Tingnan ang napakagandang kasal nina Sam Pinto at Anthony Semerad

Sa hinaba-haba din ng prusisyon, sa simbahan rin naman ang tuloy. Iyan nga naman ang sinasabi lalo na sa mga magkasintahan. Matapos ang mga napagdaanan sa kanilang relasyon mula sa ligawan, hanggang sa maging opisyal at sa tinatagal tagal pa nito, ang ending ay sa kasalan din.

Gaya na lamang ng kwento ni Sam Pinto at ang PBA player na si Anthony Semerad. Officially married na silang dalawa noong Lunes. Nakumpirma na ito mula sa mga larawan at videos na pinost ni Anthony suot ang kanyang white dress para sa kanyang kasal.

“Mrs. Semerad, how are you?” saad ni Anthony. Sagot naman ni Sam, “Very good, thank you.”
Matatandaang naging engaged ang dalawa noong November 2019 matapos ang kanilang relasyon sa loob ng isang taon at dalawang buwan.

Mayroon na rin silang mga teasers na pahapyaw sa kanilang mga prenup shoot na talaga namang mapapa wow ka. “Today is the day! Marrying my best friend,” saad ni Anthony.
Nakakakilig nga namang marinig ito mula kay Anthony na ang kanyang minamahal ay hindi lamang niya kasintahan kundi best friend din niya.

Samantala, ang ilan sa kanilang mga pasilip ay Part 1 pa lang ng kanilang kasal. “Part 2 is happening on December when (hopefully) our family and friends can fly here with less hassle and stress,” saad pa ni Sam.

Mas masaya nga namang ipagdiwang ang kasal kasama ang mga mahahalagang tao sa ating mga espesyal na okasyon sa ating buhay. Nakakataba nga naman ng puso na makasama ang pamilya at kaanak sa mga ganitong mahalagang pangyayari gaya ng kasal na minsan lang naman sa inyong buhay.

Narito naman ang mga pagbati ng mga netizens:
“Congratulations best wishes to both of you”
“Congrats and Best Wishes Sam and Anthony Semerad…”

“,,, Congrats po mrs. Sam semerald,, ❤️❤️❤️❤️”
“Wow! Congratulations you both and best wishes! 👏👏💞👍”