Tingnan ang napakagandang Tropical Lush themed bridal shower noon ni Alex Gonzaga

Matapos ang pagsasapubliko ng naganap na intimate wedding ng magkasintahang Alex Gonzaga at Mike’s Morada, ipinasilip din sa publiko ang mga larawan ng naganap na bridal shower ng aktres.
Sa Instagram page ng kilalang event stylist na si Gideon Hermona, ibinahagi niya ang mga larawan ng selebrasyon na may temang “tropical lush”, kasabay ng pagbati niya sa magkasintahan para sa kanilang kasal.

Credit: Alex Gonzaga-Morada instagram

Ayon sa event stylist, ang aktres at host na kapatid ng aktres na si Toni Gonzaga ang may pakana ng naturang bridal shower, na dinaluhan naman ng malalapit na kaibigan at minamahal na pamilya.
“Kinasal na po kami. Isa na po akong misis. Isa na po akong maybahay, isa na po akong wife,” sabi ni Alex.

Credit: Alex Gonzaga-Morada instagram

“November kami kinasal ni Mikee. Dito kami kinasal. Simple lang, kasama lang yung family and parents namin,” dagdag pa niyan

Ipinaliwanag din ng aktres kung bakit pinili nilang maging pribado ang kaganapang iyon sa buhay nila.
“It’s because we wanted to celebrate together as a family muna. And siyempre alam namin ‘yung timing din. Tsaka alam namin na may p@nd3mic. So, we wanted to keep it to ourselves for a little a while to celebrate,” sabi niya.

Ipinahayag niya rin na ang kasalang ito ay para talaga sa kaniyang mga magulang: “Kasi siyempre ‘yung nangyayari ngayon, it’s very uncert@in. Hindi natin alam kung kelan matatapos ang p@ndemic. So siyempre gusto namin to seal the deal na nandito kami lahat, na nandito tayo lahat.”

Hindi man ito ang na-imagine na kasal ng aktres, umaasa pa rin sila ng kaniyang asawa na magkaroon ng mas malaking k@salan.

“Nirespeto ni Mikee ‘yung parents ko, ‘yung parents niya. So, I’m very happy also that he did it. We will see you all next year, by God’s grace, in a bigger wedding,” Sabi ng aktres.

Matapos ang apat na taon na pag-iibigan, nagpakasal na ang magkasintahang aktres at politician, sa simpleng kasalan na ginanap nila sa Taytay Rizal noong November, nakaraang taon. Ipinahayag nila ito sa isang vlog entry noong January 17.