Tingnan ang napakagwapong mga litrato ngayon ng anak nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Baby Joaquin

Isa sa mga celebrity kids na talaga namang napakacute at bibo ay si Baby Joaquin Ilustre. Siya ang anak ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina na talaga namang napakasweet at tibay ng kanilang samahan.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Inabangan nating lahat ang kanilang kwento. Mula sa kanilang pag-iibigan hanggang sa sila ay maging mag-asawa na. At ngayon na nakabuo na sila ng kanilang sariling pamilya.

Answered prayer sila sa pagdating ni Baby Joaquin sa kanilang buhay. Todo ang paghahanda nila sa kanyang pagdating. Mula sa pregnancy journey ni Dianne, hanggang sa pag-aayos ng nursery room ni Joaquin ay todo ang kanilang paghahanda.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Kaya naman, ngayon ay makikita ang napakalusog at napakabibong si Joaquin. Makikita ang kanyang mga cutie at adorable pictures sa IG at social media na pinopost ng kanyang mga magulang.
Sa kanyang latest picture ay makikita si Joaquin na napakabusy na akala mo ay talagang nagbabasa ng libro. Kasama niya dito ang kanyang mommy at si Ate Nena.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

“Good Morning 👶🏻👶🏻👶🏻 Reading my favorite book with my mommy and ate nena ( our midwife)?” saad ng caption. Sa bilis ng panahon, nagdiriwang na si Baby Joaquin ng kanyang 6 months sa mundo. Parang kailan lang ng kakapanganak niya lamang, at ngayon ay napakalaki na nya.

“Happy 6 months my baby Love my baby @babyjoaquinilustre Mommy and Daddy Loves you so much!!! Thank you @sweets_bytash for the Animal themed Cake for Baby Joaquin ❤️❤️❤️,” pahayag pa ng caption.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego III instagram

Samantala, lubos namang nagpapasalamat si Dianne sa kanyang mga boys na si Baby Joaquin at Rodjun. “my life and my everything! thank you Lord 🙏🏻 my baby Joaquin and my baby Rj Cruz Ilustre ❤️❤️❤️ #myBeautifulLittleFamily,” pahayag pa niya.

Narito ang mga komento ng mga netizens ukol dito:
“ang laki na ni baby Joaquin😊 see you soon”
“Awwww Katuwa mga pictures ni Joaquin kasmaa sila Nanay at Tatay 😍💘🙏🏻”
“Cuteness overload! Looks like Deane!”