Tingnan ang mala-paraisong Beach House ni Gabby Concepcion sa Lobo,Batangas

Nakakarelax nga naman na magkaroon ng bahay na malapit sa dalampasigan. Nakakatuwa nga namang magising na makikita mo ang view ng beach at maging ang sunset at sunrise sa iyong bahay. Talagang makakapagpahinga ka dito.

Source: Gabby Conception youtube

Ganyang bahay ang pangarap ng aktor na si Gabby Concepcion. At natupad na niya ito dahil nakapagpatayo siya ng beach house sa Lobo, Batangas. Hindi nga naman ito kalayuan sa Metro Manila kung saan ang kanyang trabaho kaya anytime ay makakapunta siya dito.
Gawa sa kahoy at kawayan ang beach house, kaya napaka presko at ramdam mo ang sariwang hangin at tunog ng mga alon.

Makikita sa bungad pa lamang ang mga artworks na mga bote na ginawang dekosrasyon at mga display pictures dito.Sa dining area naman ay makikita ang eleganteng mga muebles na paboritong bahagi ni Gabby sa bahay. Ito din ang nagiging tambayan ng mga bisita ni Gabby sa bahay.

Source: Gabby Conception youtube

Iba nga naman ang beach house. Talagang nakaka amaze na makita ang tanawin lalo na sa balcony ng beach house.May pasilip din ito sa bed room na komportableng komportable kang makakapagpahinga dito.

Source: Gabby Conception youtube

Kaya naman, ito ang nagiging escape place ni Gabby lalo na sa tuwing gusto niyang mag relax mula sa siyudad. Siyempre, nakakapagod at nakaka stress din ang showbiz, kaya naman dito ang nagiging takbuhan niya sa pagrerelax.

Source: Gabby Conception youtube

Fishing naman ang nagiging hobby niya sa tuwing siya ay nasa beach house kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Michael Flores. Mayroon ding fishing boat si Gabby at doon niya inilalagay ang kanyang fishing boat.

Isa ding espesyal na lugar ito para kay Gabby. Dito niya nararamdaman ang katahimikan at kapayapaan. Ito ang kanyang paraiso dahil sa magandang tanawin, peace and harmony ng lugar.Kaya naman, alam na natin ngayon ang nagiging takbuhan ni Gabby sa tuwing siya ay pagod at stress sa buhay.