Tingnan ang simple ngunit masayang Spiderman themed birthday party ni Elias

Bago matapos ang buwan ng Hunyo, mayroon pang isang anak ng dalawang sikat na celebrity ang nagcelebrate ng kaniyang birthday. Siya ay si baby boy Elias na anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na parehong tanyag na TV personality. Nito lamang June 27 nang magtatlong taong gulang ang anak nila.

Credit: Ellen Adarna instagram

Ipinasilip naman ni Ellen sa mga netizens ang mga simpleng kaganapan sa birthday celebration ng anak. Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi iya ang iilang mga nakuhanang pictures pati na rin videos sa mismong party ng kanilang healthy baby boy.

Credit: Ellen Adarna instagram

Ang party ay kapansin-pansing may theme na Spiderman kung saan ang birthday celebrant mismo ay naka Spiderman costume. Ang lugar din kung saan ginanap ang party ay napapalibutan ng mga disenyong lobo na related sa mismong theme. Pati ang kaniyang cake ay Spiderman din ang design at kulay.

Credit: Ellen Adarna instagram

Makikita naman sa iba pang mga picture na kasama sa nasabing post ay ang mga litratong kasama ng mag-ina si Derek Ramsay. Kamakailan lang nang magkakilala sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, at noong March lang din sa taong ito (2021) nang tuluyan nang nagpropose si Derek kay Ellen.

Credit: Ellen Adarna instagram

Maaalalang pinag-usapan at naging matunog ang usaping ito dahil tila napakabilis ng mga naging pangyayari sa dalawa. Ngunit sa kabila nito, mapapansing sa maikling panahon pa lang na magkakilala ang dalawa ay tila magaan na agad ang loob ni Derek sa anak ni Ellen na si Elias.

Credit: Ellen Adarna instagram

Mahahalata sa mga litrato ang kanilang closeness at ang good relationship ng dalawa sa isa’t isa. Nakisabay pa nga si Derek sa Spiderman theme kung saan siya ay may suot na mask ni Spiderman at sinabayan pa si Elias na gawin ang signature Spiderman hand gesture sa ibang mga picture nilang tatlo na magkakasama.

Credit: Ellen Adarna instagram

Mapapansin naman na hindi present ang ama ni Elias na si John Lloyd Cruz sa mismong celebration.
Maaaring simple lamang ang naging selebrasyon, nabawi naman ito sa saya at pagkabibo ni Elias. Umani naman ang nasabing post ng maraming likes. Pinaulanan din ng mga birthday messages para kay Elias ang comment section.

Credit: Ellen Adarna instagram

May kasunod pang ibinahaging post si Ellen na may caption namang “06.27.2021 ❤️💙 THREE ❤️💙”. Ibinahagi niya rito ang iba pang mga captured moments sa celebration.

Credit: Ellen Adarna instagram