Tingnan ang sweet na sweet na litrato nina Sofia Andres at partner nitong si Daniel Miranda

Ang bagong mga magulang na sina kapamilya actress Sofia Andres at ang sikat na race car driver na si Daniel Miranda ay sweet na sweet sa isang kanilang litrato na inupload sa Instagram account ni Sofia noong Nobyembre 8 at may caption na “What’s the title of our movie?”.

Credit: Sofia Andres instagram

Love is in the air ika nga naman nila. Kilig na kilig naman ang mga fans nila dahil napaka ganda ng visuals at aesthetic ng dalawa sa litrato at maraming fans ang nagsasabi na sila ay bagay na bagay talaga.

Credit: Sofia Andres instagram

Iba’t ibang mga pamagat ang binigay ng mga fans na talaga nga namang magdedescribe sa love story ng dalawa at Ito ang iilan sa kanilang mga komento:

Credit: Sofia Andres instagram

“I’ve found the one”perfect title @iamsofiaandres””TAKE ME BACK TO THE NIGHT WE MET”
“It’s like a prenup also. Hahaha gaganda at popogi.”

Credit: Sofia Andres instagram

Ang couple ay magkasintahan na ng apat na taon at may baby daughter na sila na si baby Zoe. Ang kanilang anak ay magdiriwang na ng kaniyang 1st birthday sa Nobyembre 24.

Nagphotoshoot ng pre-birthday photos ang pamilya nila para sa kaarawan ng kanilang anak at kasama sa photoshoot na iyon ang nakakakilig na litrato ng dalawa na ipinost sa instagram ni Sofia.

Credit: Sofia Andres instagram

Hindi lang ito ang pagkakataon na nagpakilig ang couple sa social media dahil hindi naman nila itinatago ang kanilang sweetness sa kanilang fans. Tulad na lamang noong father’s day ay naggreet at nagbigay ng sweet message si Sofia para sa ama ng kaniyang anak at ito ang sabi nya,

Credit: Sofia Andres instagram

“I also want to celebrate my greatest love, Daniel. I’m so grateful that I have you by my side because you have brought so much color and adventure into my world. Not only that you also been part in giving me my greatest happiness – our little angel.”

Credit: Sofia Andres instagram

Napaka saya ng kanilang pamilya at todo suporta ang mga fans sa bawat galaw ng pamilya.