Toni Gonzaga, masayang nagdiwang ng kanyang ika-37 taong kaaarawan kasama ang buong pamilya sa boracay

Masayang masaya nga naman na ipagdiwang ang ating kaarawan kasama ng mga mahahalagang tao sa buhay natin gaya ng ating pamilya na laging nakasuporta sa atin.

Sila ang ating nagiging kanlungan sa panahon man ng pr0blema o unos sa buhay. Kaya sa panahon din ng selebrasyon gaya nito ay sila din na iyong pamilya ang iyong makakasama para ipagdiwang gaya ng iyong kaarawan.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram

At sa latest post ng My Sassy Girl star na si Toni Gonzaga ay makikita ang masayang bonding at birthday celeberation ni Toni kasama ang kanyang asawang si Direk Paul at asawang si Baby Seve.
At ayon kay Toni, ito daw ang kanyang masasabi na “best birthday trip” bilang kanyang 37th birthday noong January 21.

Sa loob ng 37 years ay ngayon daw ang masasabi talaga ni Toni na the best birthday celebration nito.
Makikita sa IG stories ni Toni na enjoy na enjoy si Toni sa pagswimming. Habang ang kanyang mag-amang si Direk Paul at Baby Seve ay tuwang tuwa naman sa kanilang pagsakay sa kayak.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram

“Wake up 37 years old today. What a Journey! My best is yet to come!,” saad ni Toni.
Kasama din nila Toni ang buong Gonazaga at Soriano Family. Mapapanood na nagsimula ang big day ni Toni sa isang foam party sa swimming pool na enjoy na enjoy naman ni Seve.

Masarap din na pagkain ang kanilang pinagsaluhan sa kanilang almusal. Habang isang festive at intimated dinner naman sa beach ang inihanda para sa kanya. Bagay na bagay kay Toni ang kanyang white dress na suot na makikita sa video na kinuhanan ni Alex.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram

Habang kumakain ay makikitang napakakulit ni Alex at kumukuha ng mga videos sa dinner.
Masayang masaya naman si Toni at na enjoy talaga niya ang kanyang kaarawan. Narito naman ang mga pagbati ng mga netizens:

“Happy b-day po Miss Toni🎂🎊🎉God bless”
“Happy2x birthday wishing you good health and god bless you always and many2x more birthdays in the years to come”
“happy birthday tony, sana may isa pa kayong anak”