Toni Gonzaga, nakatanggap ng sweet birthday message mula sa kanyang kapatid na si Alex Gonzaga

Sino ba ang hindi nakakakilala sa nag-iisang ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga? Nagsimula sa pagiging host noon. Hanggang sa nahasa at gumaling ang kanyang mga hosting skills, kalaunan ay nakilala na rin bilang magaling na singer at aktres.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Ilan sa kanyang mga awitin ay ang “Catch Me I’m Falling” at “We Belong” at marami pang iba. Isa din sa kanyang mga di malilimutang pelikula ay ang “My Amnesia Girl” at “You’re the One”. Sa ngayon, naghohost si Toni ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Ngayon, nagdiriwang si Toni ng kanyang 38th birthday. At siyempre, di maaaring hindi bumati ang fantastic sister ni Toni na si Alex Gonzaga. Talaga namang close ang magkapatid na si Alex at Toni Gonzaga. Ang mga Gonzaga Sisters ang isa sa mga celebrity sisters na love na love ng lahat.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Kaya naman, sa birthday greetings ni Alex sa kanyang ateng si Toni, nakita natin gaano ka close ang magkapatid. Narito ang message ni Alex para sa kanyang ate.

“Happy birthday ate. You are an inspiration to me in everything that you do! Sa lahat ng bagay lagi mo kasi ginagalingan,” lahad ni Alex sa post.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Patuloy pa ni Alex, magiging “clingy sister” pa rin daw siya sa kanyang ate. Kaya naman, pangako ni Alex sa kanyang ate na ipagdiriwang nila ang kaarawan ng kanyang ate.

“I will always be your clingy baby sister forever! We’ll celebrate our birthday together soon. Love you ate!,” saad ni Alex. Matapos nito,nagpasalamat si Toni sa mga mahahalagang tao na nakasama niya sa kanyang espesyal na araw. Napakasaya at nagpapasalamat si Toni na siya ay malusog at malakas sa gitna ng p@nd3mya.

Credit: @celestinegonzaga instagram

“Thankful for your birthday greetings and love. Grateful to be healthy, whole, and happy! This is my 38th,” lahad ni Toni.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Sa ngayon, masaya si Toni sa kanyang pamilya at career sa buhay.

Credit: @celestinegonzaga instagram