Valerie Garcia-Birchmore, ibinahagi ang magagandang litrato ng kanyang bunsong anak para sa ika-1 taong kaarawan nito

Ibinida ni Valerie Garcia o mas kilala bilang Bangs Garcia ang kanyang pangalawa at bunsong anak na si baby Isabella sa kanyang latest post sa Instagram. Ibinahagi ni Bangs ang elegant picture ng kanyang baby Isabella na tila pasilip o highlight sa naging pictorial ng baby girl para sa kanyang 1st birthday.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Mababasa sa caption ang mahabang message ni Bangs para sa anak kung sana ipinahiwatig niya ang galak na kanyang nararamdaman pati na rin pasasalamat. “And just like that… you’re 1 year old!❤️ @isabellabirchmore , thank you for being such a sweet, happy & calm baby, for not giving Mummy & Daddy such a hard time.🥰”

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Ang panimula ni Bangs sa nakakaantig na greeting niya para sa anak. Tulad ng mga hangarin ng ibang mga magulang, nais din ni Bangs na lumaking maayos ang kanyang mga anak at maging mga mabubuting bata.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

“I pray that God will always guide you with His light, fill your life with joy, love & goodness; make your future bright, keep you healthy and protect you forever. I also pray that God will work through me and your Dad @lloydiboi24 to raise you as a child of God whom He will be so proud of. Amen.❤️ We love you very much!!!” dagdag pa ni Bangs.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Kitang-kita sa mga pictures ang ganda at cuteness ni Isabella na hindi mapagkakailang namana niya sa kanyang mga magulang. Mala-prinsesa ang dating ng baby girl sa suot niyang pink dress at gold crown sa ulo.


Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Maaalalang si Bangs Garcia ay isang sikat na personalidad dahil galling siya sa industriya ng showbiz. Ang kanyang pangalan ay matunog at namamayagpag noon hindi lang dahil sa kanyang natural beauty at ideal body kundi pati na rin dahil sa ipinamalas niyang talent at galing sa mga project na nabibigay sa kanya sa industriya.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Pinili naman ni Bangs na magpahinga na sa trabaho sa industriya nang napag-isipan na niyang mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya kasama ang kaniyang partner na si Lloyd Birchmore na isang Filipino-British businessman. Taong 2016 nang ikasal ang dalawa at ilang buwan lang ang nakalipas ay sila ay nabiyayaan ng isang supling. Ini-welcome ng mag-asawa ang kanilang first-born child na isang babae noong December 2017, siya ay si Amelia.

Tatlong taon naman ang makalipas nang mabiyaan na naman sila ng isa pang baby girl na kasalukuyang bunso ngayon sa pamilya. July 21, 2020, nang isilang ang kanilang pangalawang baby girl na si Isabella.