Valerie “Bangs” Garcia-Birchmore, pinakita ang kanyang masayang pamilya kasama ang kanyang dalawang magagandang anak

Si Valerie Bangs Garcia ay isa na ngayong “h0t momma” sa kanyang dalawang anak! Noong nakaraang Valentine’s Day lamang ipinaalam ni Bangs Garcia na four months syang buntis sa kanyang second baby. At sumunod rin ang pag post niya ng picture kasama ang asawa at anak na si Amelia na hawak ang ultrasound result. Makikita sa mga ngiti nila na talagang excited na magkaroon ng bagong baby.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Isinilang ng former actress ang kanyang pangalawang baby noong July 21, 2020 at 9:30 am na may timbang na 7.8lbs. at pinangalanan nilang Isabella Birchmore. Ayon kay Bangs, naramdaman nya rin ang bigat ng panganay na anak na si Amelia nung kanyang ipinanganak si Isabella.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Makikita sa mga vlogs ni Bangs kung gaano sya nag eenjoy sa pagiging mommy at napakasaya sa kanyang pamilya. Noong Sabado lamang ay nag upload siya ng bagong video na kung saan ibinahagi nya ang kanilang pag diriwang ng wedding anniversary kasama ang kanyang asawa na si Lloyd Birchmore.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Ipinaalam rin ni Bangs na tatlong beses silang kinasal ng kanyang asawa, una ay ang civil wedding sa UK, pangalawa naman ay church wedding sa Boracay at pangatlo ang beach wedding sa Boracay na kanila talagang pangarap na wedding.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Pinost ni Bangs Garcia ang napaka gandang litrato ng kanyang dalawang anak sa instagram na may caption na“Thank you for my children. O Lord. I know they are a precious gift from you.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Please continue to give me strength and wisdom everyday to mould them into good-hearted individuals. Please always give me patience and a joyful heart; let me be an example of your love & forgiveness. Thank you for all the blessings and for the honor of being a mother. Amen. 🙏❤️”

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Tunay nga na pinaramdam niya sa mga netizen at lalo na sa kanyang mga taga hanga kung gaano sya kasaya at blessed sa kanyang pamilya.