Vicki Belo, ibinahagi ang nakakatuwang twinning outfit nila ng kanyang anak na si Scarlet Snow

Sa Instagram post ng celebrity doctor na si Vicki Belo ay may ibinahagi siyang maiksing video kasama ang anak na si Scarlet Snow Belo. Kung may kasabihang “Two heads are better than one”, ayon naman kay Doktora Vicki sa kanyang caption ay “two dresses, bags, and shoes are better than one ! ✌🏻”.

Makikita rito na tila model ang mag-ina, may pa-awra awra pa sila habang fineflex ang kanilang mga outfit at bags para sa kanilang hashtag fashion Fridays (#FashionFridays).

Credit: Vicki Belo, M.D. instagram

Sa unang parte ng video, ang mag-ina ay may outfit na dress na may magkaparehong kulay na baby pink. May tig-isa ring silang bag na kulay pink, ibinigay ni Dra. Vicki ang maliit na bag kay Scarlet habang ibinigay naman ni Scarlet ang malaking bag sa kanyang mommy.

Credit: Vicki Belo, M.D. instagram

Sa kalagitnaan naman ng maiksing video ay nagkaroon ng transition kung saan may naganap na outfit transformation. Pinalitan rin nila ang mga hawak nilang bag at naging bag na may magkaparehong kulay na yellow.

Credit: Vicki Belo, M.D. instagram

Makikita naman sa comment section ang mga comments ng kani-kanilang mga fans, kamag-anak, mga naging client ni Dra. Belo at pati na rin mga iba’t ibang personalidad sa industriya ng showbiz at mga celebrity vloggers na minsan na nilang na-meet o nakasama.

Credit: Vicki Belo, M.D. instagram

 

Napakaraming nacute-an sa ginawa ng daalwa, isa sa mga celebrity na nagcomment ay si Korina Sanchez-Roxas na napasabi ng “So cute🙌” at si Vina Morales na napacomment din ng “Awwww cuteness 😍”.
Si Rhian Ramos naman ay walang masabi at tila namangha na lamang at iniwan sa comment section ang mga katagang “Just WOW!!!”.

Credit: Vicki Belo, M.D. instagram

Iba din ang hype na ipinabatid ni Gabbi Garcia at nagcomment ng “Omgggg i love this doc!!! 😍 both of you are so chic!!!” Ang mga sikat ding mga vloggers na minsan ng nakasama ni Scarlet na sina Bella Racelis at Rei Germar ay nacute-an din sa dalawa. “omggg cute!!!!” ang sabi ni Bella habang “Cuties!!!” naman ang mababasa sa comment ni Rei.

Credit: Vicki Belo, M.D. instagram

Kitang-kita na na-enjoy ng dalawa ang paggawa sa video na ito na tila isa sa mga bonding ng mag-ina.
Si Dra. Maria Victoria “Vicki” Gonzales Belo-Kho o mas kilala bilang Vicki Belo ay isang dermatologist. SIya rin ang founder, CEO at medical director ng Belo Medical Group.

Napangasawa niya si Dr. Hayden Kho na isang cosmetic surgeon naman. Anak ng dalawang nasabing doctor si Scarlet Snow.