Vlogger na si Donnalyn Bartolome, hinangaan ng mga netizens matapos gamitin ang kanyang sahod sa youtube para makapagtanim ng 1000+ na bamboo trees sa Rizal

Ang kalikasayan ay kayamanan sa atin. Kaya naman, dapat lang itong pag-ingatan at pagyamanin ng bawat isa sa atin. Ang bawat hakbang na ating ginagawa ay malaking tulong sa kalikasan para masalba at mas mapangalagaan ito.

Kaya naman, ang mga programa at mga hakbang na sinisimulan ng nga celebrities at mga vloggers ay malaking tulong din. Gaya na lamang ng singer na si Donnalyn Bartolome na nagpasimula ng isang Tree Planting project.

Siya ay nagpasimula ng pagtatanim ng halos 1,000 native bamboo plants sa Rizal mula sa kanyang kinita sa isa sa kanyang mga vlogs sa Youtube. Kasabay din nito ang International Day of Forests, na talagang malaking ambag ito para sa Inang Kalikasan.

“This International Day of Forests, we, @Influence_Us.ph successfully donated and planted 1,000+ native bamboo trees in Rizal. This will help people be in l3ss d@ng3r from fl00ding, preventing 3r0si0n, l@ndsl!des- damag3s a fl00d could bring I feel like people have forgotten what happened to us just months ago with Typh00n Ulysses. I didn’t. I will not,” saad ni Donnalyn sa IG.

Matagal tagal ding pinaghandaan ni Donnalyn ang kanyang proyektong ito. Matapos ang proseso lalo na sa pagkuha ng permit at paghahanap ng mga seeds. Sa wakas, tagumpay ito.
“After months of preparation, research and help from the authorities with permits and search of the land to plant seedlings, WE DID IT!

When I posted about this 2 days ago I received more help and that’s the goal! Vlog will be up tomorrow on my channel so we can inspire more people to help plant trees!,” tuloy pa ni Donnalyn.
Samantala, hinihikayat din ni Donnalyn ang bawat isa na sumuporta at maaari din namang magpasimula ng pagtatanim sa kanilang simpleng paraan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

“Please follow @influence_us.ph or DM me to help with our cause. THIS IS JUST THE BEGINNING 🌱
#NoMoreFl00ding #Preventi0nIsBetterThanCure Thank you @marieqit_ @lalavs22 @arjregis @paoobernardo @vincentguiao Colonel Jojo Savares, PSOSEC Class 2020-01 and Mark Chua for helping this cause. LET’S PLANT MORE TREES!!!,” pasalamat ni Donnalyn sa lahat ng mga naging katulong at katuwang niya sa matagumpay na proyektong ito.