Vlogger na si Donnalyn Bartolome,pinasilip ang kanilang napakagandang binebentang bahay

Credit: Donnalyn Bartolome instagram

Rollercoaster of emotion na maituturing ang house tour vlog ng artistang si Donnalyn Bartolome. Halo halo na kasing emosyon ito ng saya, pagpapatawa at pagiging emosyonal din dito.

Source: Donnalyn Bartolome Youtube

Mapapanood sa video na ipinaliwanag ni Donnalyn na magtatatlong taon na silang nakatira dito. At dahil lumipad na pa ibang bansa ang kanyang pamilya ay ibebenta na nila ito. Sa katunayan, ito na ang kanilang pangatlong bahay sa Pinas.

Source: Donnalyn Bartolome Youtube

Pagpasok, makikita ang garahe na kakasya ang dalawang sasakyan. Makikita din ang kanilang pinto na may disenyo na malaking letrang “M” na mula sa kanilang tunay na apelyido.

Source: Donnalyn Bartolome Youtube

Pagpasok, makikita ang warm lightings na kulay yellow pero randam mo ang lamig sa loob sa kanilang air conditioner. Mahihilig din sila sa mga chandelier na nakasabit sa kisame.
Ipinakita din sa atin ni Donnalyn ang kanilang outdoor view, swimming pool at garden.
Apat naman ang kwarto sa bahay, ang isa ay nasa first floor na may sariling toilet and bath habang ang tatlo ay nasa taas kabilang ang Master’s Bed Room.

Source: Donnalyn Bartolome Youtube

Isa din sa mga pinuntahan ni Donnalyn ay ang kanilang balcony na nakuha pang maglinis ni Donbalyn dito mula sa dumi ng aso.Masaya man tayong ipinasyal ni Donnalyn, emosyonal din siya dito lalo na at ibebenta na ito.

Source: Donnalyn Bartolome Youtube

“Maybe because it’s my first time seeing the house again without the kids. I miss them so much… Ba-bye sa bahay na ‘to, thank you, thank you for sheltering us.” saad ni Donnalyn.

Credit: Donnalyn Bartolome instagram

Maging mga netizens ay emosyonal din at gandang ganda sa kanilang bahay.
“it’s the best house tour for me!💕 oh ma your house is so amazeeeeee♥️ as same as its owner i’ve watch all of your vloggs and it makes me happy to see all of those awesome contents””All parts of the house are my fave🥺. It’s really hard to let it go, but there’s no choice. So, I’m just gonna wait for your vlogs on your new/other houses✨”

Credit: Donnalyn Bartolome instagram