‘Well I guess she wants another baby’ , yan naman ang nasabi ni Drew Arellano sa kanyang IG post ng makita nya ang bagong hairstyle ng asawang si Iya Villania

Isa sa mga pagbabagong makikita at mapapansin sa isang tap ay kapag siya ay nagbago ng kaniyang hair style.

Credit: Iya Villania Arellano instagram

Ang iba’y nagpapaikli, o kaya nama’y nagpapahaba ng buhok. Pero, karaniwan namang sinasabi na gusto daw mag move on ng isang taong nagpaikli o nagpagupit ng buhok.

Pero, para sa host at celebrity na si Iya Villania, wala naman siyang dapat ipag momove on dahil masayang masaya siya sa kanyang asawa’t pamilya. Ang nais lang talaga niya ay ang magpaikli ng buhok.

Credit: Iya Villania Arellano instagram

Kaya naman, marami ang nagulat at natuwa nang makita ang bagong hair style ni Iya.
Nagpaalam na si Iya sa kanyang napakahabang buhok. Halos 18 inches din ang nagupitan na buhok kay Iya.

Credit: Iya Villania Arellano instagram

Pero, kahit short hair na ngayon si Iya ay bagay na bagay pa rin niya ito. Salamat sa magic hands at magic touch ng kanyang hairstylist na si Alex Carbonell.

Matapos naman ang kanyang pagpapagupit sa salon, ipinakita naman ni Iya ang kanyang new look sa kanyang mga anak na sina Primo at Leon

Credit: Iya Villania Arellano instagram

Nakakatuwa talaga ang kanilang mga reaksyon dahil napaka honest talaga nila sa kanilang ina. Una niya itong ipinakita kay Primo at tinanong siya, “Do you like Mama’s hair?”

Naging honest naman si Primo at dinaretso nalang ang kanyang sinabi, at sinabing hindi niya daw ito gusto.

Credit: Iya Villania Arellano instagram

Tinignan naman siya ni Leon at tila nabigla na lang sa new hair ng kanyang mommy. Mukhang pareho nga din yata sila ng reaksyon ni Primo.Samantala, iba din ang naging reaksyon ng kanyang mister na si Drew Arellano at nakuha pa niyang magpost sa kanyang IG.

Credit: Iya Villania Arellano instagram

“Well I guess she wants another baby! [three wacky face emoji] #rawr,” saad ni Drew.
Bagay na bagay nga naman talaga kay Iya ang kanyang buhok. Nanibago lang sina Primo at Leon sa kanyang bagong look kaya tila nabigla sa kanilang reaksyon.