Yassi Pressman, pinasilip ang kanyang napakagandang pinapatayong bagong bahay

Pinasilip ni Yassi Pressman ang kaniyang pinapagawang bahay sa pamamagitan ng isang Instagram post sa kaniyag account. “Trust the process,” ang sabi niya sa caption nito na may “Home” na nakalagay sa location.

Credit: Yassi Pressman instagram

Kasama ang kaniyang kapatid na si Issa Pressman ay magkatulong nilang pinapatapos ang kanilang dream house para sa kanilang pamilya. “Worked hard to give you this Dad… wish you were still here to see. But i know you’re always watching, I still want to try to make you proud when you look down…
Love u five-ever,” ang caption nito sa isa pang post na larawan kasama ang kaniyang kapatid.

Credit: Yassi Pressman instagram

Kahit wala na ang kanilang ama upang masaksihan ang pagtatapos ng pinapagawang bahay ay sinisikap parin nina Yassi na matapos ito. Si Yassi o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay 26 taong gulang na Filipina-British na aktres, singer, dancer, at model.

Credit: Yassi Pressman instagram

Una siyang napanood sa teleseryeng Gulong Ng Palad sa ABS CBN bilang batang Luisa.
Sunod naman siyang gumanap bilang Lucinda Bartolome sa teleseryeng @dik Sa’yo ng GMA network.
Mas nakilala si Yassi sa pagsayaw nang mapanood siyang regular na sumasayaw variety show na SOP at sa ipinalit dito na Party Pilipinas kung saan binansagan siyang “Princess of the Dance Floor.”

Credit: Yassi Pressman instagram

Matapos ang anim na taon sa GMA network ay napanood si Yassi sa ASAP Natin ‘To ng ABS CBN at matapos ang ilang buwan ay pumasok siya sa bahay ni kuya at naging housemate sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.

Credit: Yassi Pressman instagram

Noong 2016 ay napabilang si Yassi sa cast ng FPJ’s Ang Probinsiyano kung saan mas nakilala ang kaniyang galing sa pag-arte nang gumanap bilang Alyana Arevalo Dalisay. Ngunit ngayong taon ay nam@al@m na siya sa nasabing teleserye na ikinalungkot ng kaniyang mga fans.

Sa ngayon ay patuloy na napapanood si Yassi sa ASAP Natin ‘To at mas pinagtutuunang pansin ang kanilang pinapagawang dream house.

Credit: Yassi Pressman instagram