Ynez Veneracion, masayang ipinakita ang kanyang bagong silang na sanggol na si Baby Jianna

Sa latest post ni Ynez Veneracion, ibinahagi niya ang new blessing na dumating sa kaniyang buhay. Sa edad na 40, ipinanganak ni Ynez ang kanyang 2nd child. Ipinasilip niya ang mga first captured moments ng kanyang baby sa isang Instagram post na ibinahagi niya noong August 3.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Masasaksihan dito ang ilang mga pictures ng kanyang newborn child na nakuhanan pagkalabas na pagkalabas mismo niya sa sinapupunan ng kanyang mommy Ynez. “A sweet beautiful angel has finally arrived.” ang sabi ni Ynez sa kanyang caption. Tulad ng ibang ina, siguradong sabik na sabik ring makita at mahawakan ni Ynez ang kanyang baby girl pagkatapos ng 9 na buwan na paghihintay.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Makikita sa nasabing post ang iba’t ibang mga pictures ng baby girl. May mga pictures pa na naka closeup sa kanya kung saan kitang-kita at mas maa-appreciate ang kanyang mga facial features.
“Welcome to the world my little one. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻❤️💕💖👶👶👶 @jiannakyler” dagdag pa nito.
Ini-welcome niya ang kanyang babaeng anak na ipinangalanan niyang Jianna Kyler.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Kapansing-pansin naman kung paano nawala ang pagod ng aktres at kung paano nakaramdam ng ginhawa nang mahawakan at mabuhat na niya ang kanyang anak. Sa bandang huli rin ng post ay may mga pasilip na mga pictures na nakuhanan habang ginagawa ang mga naging procedure sa paglabas ni Jianna.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Kitang-kita ang gandang taglay ni Jianna sa mga unang captured pictures niya.
Makikita naman sa comment section ang mga congratulatory messages ng mga netizens at ibang mga showbiz personalities.


Credit: Ynez Veneracion instagram

Isa sa mga celebrity na nagcomment ay si Aiko Melendez na sinabing “Congratulations sis ❤️”
Nagcomment rin naman si Regine Tolentino. “So beautiful sis! So happy for you!” ang sabi nito sa kanyang comment.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Maaalalang noong buwan ng July sa kasalukuyang taon lang in-announce ni Ynez ang kanyang pregnancy. Madaming nasorpresa noon nang isinapubliko niya ang impormasyong ito.
Ginawa niya iyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga highlights sa kanyang naging maternity sh00t kung saan siya ay nagsuot ng iba’t ibang mga costumes at outfits.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Mayroon namang naunang anak ang celebrity sa kanyang previous relationship. Ang kanyang panganay ay isa ring babae na pinangalanan niyang Princess Keilah. Si baby Jianna Kyler D. Recto ay ang first baby niya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bryan Julius Recto.

Credit: Ynez Veneracion instagram