Zeinab Harake at Skusta Clee, nagkaroon ng bonggang bonggang gender reveal party

Ang sikat na couple sa Pilipinas na sina Zeinab Harake na isang Youtuber at si Skusta Clee na isang rapper ay nagkaroon na ng gender reveal sa kanilang magiging anak. Sila ay magkakaroon ng isang baby girl na labis naman ikinatuwa ng magkasintahan.

Credit: Zeinab Harake Youtube

Ang gender reveal video na ito ay kanilang inupload sa Youtube account ni Zeinab noong Enero 17 taong 2021. Ang gender reveal na iyon ay part 2 ng kanilang vlog para sa baby shower nila. Sa baby shower na iyon ay nagsulat ang lahat ng mga bisita nila ng mga pangalan bilang suggestion sa magiging pangalan ng kanilang anak.

Credit: Zeinab Harake Youtube

Naganap ang gender reveal sa isang yate kasama ng mga pamilya at mga kaibigan ng couple. Mayroong mahigit na 20 na katao ang kasama nila sa yate dahil ang ilan ay naiwan sa beach. Bago pa ibunyag ang kasarian ng kanilang anak ay nagpalaro muna sila sa mga tao na kasama nila sa yate.

Credit: Zeinab Harake Youtube

Pinahula nila sa mga kasama nila kung ano ang sa tingin nilang magiging kasarian ng anak nila Zeinab at Skusta. Kung sino man ang makakahula ay makakatanggap ng papremyo mula sa couple.

Credit: Zeinab Harake Youtube

Naireveal ang gender ng kanilang anak sa pamamagitan ng mga fir3works at sa cake. Dahil sa tuwa ni Zeinab na sila ay magkakaroon ng baby girl ay binigyan nya ang lahat ng mga cash prize. Sa sobrang tuwa ni Zeinab ay naiyak siya at napayakap sa kaniyang partner.

Credit: Zeinab Harake Youtube

Labis ang kasiyahan niya sa blessing na kanilang natanggap. Narito ang saad ni Zeinab, “Di kayang tumbasan ng kahit na ano yung saya na meron ako ngayon.”
Bumuhos ang suporta ng kanilang mga fans sa iba’t ibang social media at sa comment section ng kanilang vlog sa Youtube. Narito ang ilan sa mga komento nila:

Credit: Zeinab Harake Youtube

“Am I the only one who cried because they’re just so happy and precious?”
“I was crying when im watching this because my wish too come true ZERYL comeback and then I didn’t expect that this will happen because there’s many thing happens to them and then this happens I’m so for you two #imalwaysZEIRYLfan”

Noong Disyembre taong 2020 naunang ipinaalam sa publiko ng magkasintahan na si Zeinab ay nagdadalantao na.

Credit: Zeinab Harake Youtube