Zia Dantes, hinangaan ng mga netizen dahil sa kanyang magagandang litrato

Hanggang ngayon ay hinding- hindi makakalimutan ng mga netizens ang royal couple at isa sa mga magagaling na mga artista na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Isa ang celebrity royal couple na ito sa mga artistang talaga namang sinusubaybayan ng mga Pilipino.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Dahil sa kanilang galing sa pag- arte at natural na kagandahan at kagwapuhan kaya naman sila ay tinaguriang royal couple sa Philippine showbiz industry. Parehong nakilala ang mag- asawa sa GMA network.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Matatandaang noong Disyembre sa taong 2014 ay ikinasal sina Marian at Dingdong matapos ang ilang buan nang magpropose sa Dingdong sa harap ng national television.
Kamakailan- lamang ay nagdiwang na ang mag- asawa ng kanilang ika- anim na anibersaryo mula nanag ikasal ang mga ito kasama ang kanilang dalawang anak na sina Baby Zia at Baby Sixto.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Makalipas ang isang taon matapos ikasal ang royal couple ay ipinanganak na ni Marian ang kanilang first baby ni Dingdong at ito ay si Maria Letizia o kilala ngayon bilang sa nickname nitong Baby Z.
Ang pangalan nitong Maria Letizia ay isinunod ng mag- asawa sa pangalanan ng lola ni Dingdong at kapatid ng ama ni Marian kaya naman malalim ang pinanggalingan ng pangalan nito.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Nakilala ng mga netizens ang unang anak ng mag- asawang Dantes at hindi binigo ni Baby Z ang mga fans ng kanyang mga magulang dahil habang lumalaki ito ay lalong nakikita kung gaano kamukha ni Baby Z ang kanyang anak.

Tulad ng kanyang mga magulang ay may taglay na natural na ganda si Baby Z na kanyang namana sa magulang lalong lalo na sa kanyang ina dahil parang mini Marian lamang ito.
Kaya naman baby palang si Baby Z ay marami na itong mga naging fans dahil sa mga pictures na ibinabahagi ni Marian at Dingdong sa kani- kanilang Instagram account.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Ang bawat pictures ni Baby Z ay umaani ng napakaraming magagandang reaksiyon mula sa mga fans at netizens na talaga namang walang sawang sumusoporta sa kanyang magulang hanggang ngayon.
Makikita rin sa isang recent post ng GMA network sa kanilang official Instagram account ang mga ibinahagi nitong mga pictures ni Baby Zia at may caption na “Time flies so fast! Big girl na si Ate Zia💖💖💖So pretty like her mommy #MarianRivera!”

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Makikita nga naman sa mga pictures kung gaano kabilis lumaki si Baby Zia at habang tumatagal ay lalo pa itong gumaganda at nagiging kamukha ang kanyang maganda ring ina.
Sa mga letratong ipinost ay mapapansin kung gaano na kahusay mag- pose si Zia sa harap ng camera na para bang sanay na sanay na talaga ito at laging nag-eensayo sa mga pose na kanyang gagawin.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Ngunit kahit na makikita sa mga unang letrato kung gaano ito ka- galing sa pagpo-pose ay hindi pa rin maipag- kakaila na isa ring napaka- kulit na bata si Baby Zia na nakuha niya rin sa kanyang ina.
Nagpakita rin ito ng mga wacky pose pero kahit ganoon ay nangingibabaw pa rin ang kanyang kagandahan at ka-cute’an.