Ziggy, kinatuwaan ng mga netizen dahil sa cute na cute na ootd nya para sa Buwan ng Wika

Sino nga naman ang hindi matutuwa sa napakacute at bubbly face ni Baby Ziggy?
Si Baby Ziggy ang bunsong anak ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Talaga namang kinagigiliwan ng mga netizens ang kanyang angking cuteness at kagwapuhan.

Credit: marianrivera instagram

No doubt talaga na anak siya ni Marian at Dingdong dahil xerox copy talaga siya ng kanyang mga magulang.
Sa latest post ni Marian sa kanyang IG, makikita ang napakacute na suot ni Baby Ziggy. Suot ni Baby Ziggy ang kanyang puting t shirt na mayroong pulang dambana.

Credit: marianrivera instagram

Tila makikita kay Baby Ziggy ang mga magigiting at mat@t@pang na Katipuneros. Marami tuloy ang mga netizens na tuwang tuwa dahil sa kanyang murang edad ay naituturo na ng kanyang mga magulang sa kanila ang halaga ng wika at kulturang Pinoy.

Credit: marianrivera instagram

Bukod pa dito, sakto pa na ngayon ay nagdiriwang tayo ng Araw ng mga Bayani. Kaya naman, ipinagdiriwang ng bawat Pilipino ang giting na ginawa ng ating mga magagaling na bayani.
Bilang isang magulang, mahalaga nga naman na turuan ang mga anak ng kulturang Pinoy.

Credit: marianrivera instagram

Ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ay isang mahalagang kaganapan na dapat ipagdiwang upang bigyang pugay ang mga bayaning nagtaguyod sa ating kasarinlan.

Credit: marianrivera instagram

Tuwang tuwa nga naman talaga ang mga netizens sa napaka cute na si Baby Ziggy sa kanyang Katipunero outfit. Marami sa mga netizens ang nagkomento at sinabing cute na cute daw talaga ni Baby Zigggy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Napaka pogi bata, sarap i hug!”
“Mas gwapo c sixto sa daddy dingdong nya maging sikat na actor din yn”

Credit: marianrivera instagram

“Gigil to the max talaga si Ziggy. Pogie overload pa.”
“Ka cute naman ng munting katipunero”
“Wow, mestizong katipunero si baby Ziggy. Kagwapo naman❤️”