Kilalanin ang napakagandang anak ni Chavit Singson na si Chelsey Singson

Kung makikita ang picture na may kasamang isang dalaga ang dating Ilocos Sur governor na si Chavit Singson ay mapapatanong ka talaga kung sino nga ba ang napakagandang babaeng kasama niya.
Siya ay si Chelsey Singson. Isa siya sa mga anak ng kasalukuyang Mayor ng Narvacan na si Mr. Chavit Singson.

Credit: @chelseysingson instagram

Nagkakasama rin sila paminsan-minsan ng ama kaya naman makikita sa social media ang kanilang mga pictures na na-capture habang sila ay nagkakaroon ng quality time together. Ang ina naman ni Chelsey ay ang former model na si Rachel Tiongson kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ang lakas talaga ng awra o dating ni Chelsey lalo na sa harap ng camera.

Credit: @chelseysingson instagram

Kitang-kita sa kanyang mga post na hindi lang maganda ang face and body features ni Chelsey, siya rin ay photogenic kaya naman kayang-kaya niyang pumasok sa mundo ng modeling o kaya naman sa industriya ng showbiz kung gugustuhin niya.

Credit: @chelseysingson instagram

Makikita naman sa ibang mga litrato na mayroon rin siyang mga kaibigan na celebrities tulad nina Coleen Garcia Crawford at Enchong Dee. Si Chelsey ay tila isang “Beach Babe”. Kitang kita sa mga posts na ibinabahagi niya sa kayang Instagram na bumisita na siya sa iba’t ibang mga isla o beach tulad ng Siargao at Alona Beach sa Bohol kung saan makikita siyang naka- swimsvit.

Credit: @chelseysingson instagram

Mukha man mahinhin si Chelsey ay iba naman ang angas nito sa loob ng boxing ring. Siya ay nagkaroon na ng mga laban sa boxing kung saan ‘Lights 0ut’ ang gamit niyang m0niker. Makikita sa kanyang Instagram ang mga captured victorious moments niya.

Credit: @chelseysingson instagram

Pinasok rin niya ang mundo ng entrepreneurship. Mayroon siyang mga business na sports retail store na GoSport Philippines at fitness center na Empower Training Center. Sa taglay niyang ganda ay hindi rin naman nakapagtataka na siya ay isang brand ambassadress sa mga skin care and cosmetic products, credit card, at famous brand ng b33r.

Credit: @chelseysingson instagram

May make up man siya o wala ay namamayagpag pa rin ang kanyang ganda. Isa pa sa pinakamahalagang impormasyon tungkol sa kanya ay siya ay happily married na sa asawa niyang si Rafael Sison. Kasalukuyan naman silang mayroong isang anak na lalaking pinangalanan nilang Mateo.

Credit: @chelseysingson instagram

Si Chelsey ay tila isang wonder woman na kayang i-balance ang kanyang pagiging ina, asawa, entrepreneur, brand ambassadress, at athlete.

Credit: @chelseysingson instagram