Kilalanin ang pinagmamalaking at magandang asawa ni Makisig Morales na si Nicole Joson

Sa panahon ngayon, ang social media ay naging isa na rin sa mga paraan upang ipakita at iparamdam ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga taong malapit sa bawat indibidwal.

Tulad ng iba na ibinibida ang kanilang mga partner, ipinagmalaki rin ng dating aktor na si Makisig Morales ang kanyang misis sa kanyang Instagram post.

Credit: Makisig Morales instagram

Ibinahagi niya ang solo picture ng kanyang partner na si Nicole Joson. May kalakip namang touching message para sa asawa ang nasabing post. “A safe and peaceful afternoon everyone.❤️
I just want to share this because every time i see this photo, I see an independent, strong and loving person who will never give up kahit ilang beses madapa.” ang panimula naman ni Makisig sa kanyang caption.

Credit: Makisig Morales instagram

Mapapatunayan talagang sobrang ina-admire at naa-appreciate ni Makisig si Nicole.
“May topak minsan? sure. lahat naman ng tao, pero kahit ganun mas matimbang parin yung love. wag ka mag alala, hindi ako magsasawang suyuin ka at….. gawan ka ng tea or coffee every morning. 😜🤗”

Credit: Makisig Morales instagram

Tulad ng iba, minsan din umanong sumusvmpng ang pagiging m00dy ng kanyang misis, gayonpaman ay hindi raw siya magsas@wang suyuin at pagsilbihan ito. “I love you. ❤️ @_nicolejoson_-SuperInggo” ang pagtatapos naman ni Makisig sa kanyang open letter para kay Nicole.

Credit: Makisig Morales instagram

Ginamit niya naman ang pangalang “SuperInggo” na isang karakter na tumatak sa mga manonood noong 2006. Ito ang karakter na nagpasikat sa kanya bilang child actor sa Pilipinas. Taong 2016 naman nang magqvit si Makisig sa industriya ng showbiz upang mamuhay sa Australia kasama ang kanyang pamilya.

Credit: Makisig Morales instagram

Sa Australia rin sila namuhay ng asawa niyang si Nicole mula nang sila ay ikasal noong January 2019.
Matatandaang muling namayagpag ang pangalan ng showbiz personality nang isapubliko ang mga wedding photos nila ng kanyang asawa.

Credit: Makisig Morales instagram

Kahit na sila ay nasa Australia at doon ikinasal, makikitang proud na proud namang isinuot ng dalawa ang mga pambansang kasuotan ng PIlipinas para sa kanilang photosh00t. Ayon din sa mga sources, ang mag-asawa umano ay may business sa Australia na nagtitinda ng mga Filipino snacks o favorites.

Credit: Makisig Morales instagram

Kahit na matagal tagal na sila doon ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang mga Filipino culture at traditions na kanila pa ring isinasabuhay at ipino-promote hanggang ngayon.