Mommy Alice Dixson, masaya sa milestones ng kanyang baby girl na si Aura

Tulad ng ibang celebrity moms, ibinida din ni Alice Dixson sa kanyang Instagram account ang anak niyang si Aura na binigyan niyang nickname na “baby A”. Sa latest post ni Alice Dixson sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya sa mga netizens ang iilang mga updates tungkol sa kaniyang anak sa pamamagitan ng mga pictures at pati narin sa caption.

Credit: Alice Dixson instagram

Makikita sa picture na tila nakikipaglaro o tinuturuan ni Alice ang anak na makipag interact. Kitang-kita rito na siya ay isa talagang hands-on mom lalo na’t si baby A ay ang kaniyang pinakauna at nag-iisang anak sa kasalukuyan.

Credit: Alice Dixson instagram

Nakalagay naman sa caption na “My daughter is soo curious at 4 months she can already sit attentively, communicate her likes and dislik3s.” Bilang isang hands-on mom ay nasasaksihan ni Alice ang mga changes, growth, at improvements ng kanyang baby girl. At kahit na hindi pa nakakapagsalita si Aura dahil siya’y nasa ika-4 na buwan pa lamang ay tila nagkakaintindihan na sila ng anak pagdating sa mga bagay-bagay.

Credit: Alice Dixson instagram

“Im amazed at how fast she is growing… my little Padawan 🤩”, lahat ng mga nangyayari sa bawat paglipas ng araw ay naa-appreciate ng celebrity mom na si Alice. Dagdag pa niya sa kaniyang caption na “One foot already reaching the floor in her #PortaPlay” kung saan makikita nga naman sa video na abot na ng isang paa ni baby A ang floor habang inaalalayan siya ng ina.

Credit: Alice Dixson instagram

“The best time of my life are these moments ❤️”, para sa isang first-time mom na si Alice ang bawat araw na kasama niya ang anak ay ang mga moments na walang makakapantay.
Si Alice Dixson ay naging ganap na ina sa edad na 51. Nasabi niyang 10 years na niyang hinihiling na magkaroon ng anak kaya si baby A ay itinuturi niyang isang “miracle” sa kaniyang buhay.

Credit: Alice Dixson instagram

Nabanggit niya sa isang interview na pinagsisihan niya ang hindi pagkakaroon ng anak nang mas maaga dahil iba pala talaga ang maranasan ang pagiging isang ina. Ayon kay Alice, minsan niyang sinubukan at ng kaniyang non-showbiz partner na magbuntis ngunit kalaunan ay napagdesisyonan nilang subukan ang surr0gacy. At ang bunga naman ng desisyong iyon ay si Aura.

Credit: Alice Dixson instagram

Hangga ngayon ay hindi pa rin inire-reveal ng aktres ang identity ng kanyang partner. Nananatiling pribado ang mga detalye tungkol sa kanya ngunit nabanggit naman ni Alice na matagal na silang nagsasama nito.