Ngayong merong C0V!D, isa sa mga lubos na naapektuhan at natamaan ay ang mga private schools. Dahil naantala ang klase at sasalang na sa online learning, ang ibang mga private schools ay nagsara o kaya naman ay nagbawas ng empleyado dahil sa pagbaba ng mga estudyanteng nag eenroll.
Dahil dito maraming mga private school teachers ang nawalan ng trabaho, kaya naman kanya kanya ng paraan ang bawat isa kung paano kumita.

Marami ang lubos na nalungkot sa larawan na pinost ni Karlo Ternora. Kwento ni Karlo,naglalako ang isang dating private school teacher ng mga pagkain sa gasolinahan. “Ang sakit sa puso makita mga gantong guro na nawalan ng trabaho. At nag bebenta sa labas para makaraos. Going home from my friend’s house I decided to refill muna, while waiting for my change. Biglang lumapit sakin si Ma’am she even called me “Anak” baka gusto mo bumili ng paninda ko.
As I heard the word anak naalala ko bigla mga Guro ko mga pangalawang nanay natin sa Eskwelahan.I asked what happened po sainyo?,” saad ni Karlo sa kanyang post. Makikita kasi sa hawak na karatula ang kanyang sinapit. Mas lumambot ang puso ni Karlo ng tawagin siyang “anak”. Tila naalala niya daw ang kanyang mga guro noon.

Nagabot si Karlo ng kaunting halaga sa kanya. At dahil gusto pa niya itong mas matulungan sa ibang paraan, ay humingi ito ng permiso para kuhanan ito ng larawan.”If only I have extra time gusto ko sya i-treat sa katabing jollibee kaso kelangan nadin maka uwi. From happy moments bigla ako natulala while driving I have what ifs sa utak ko.. ang tanda na nya pano kung may C0v!d ma bentahan nya o umulan o di naubos tinda nya pano na sya?😥 I asked her permission kuhanan ko sya, sana matulungan natin mga naging pangalawang magulang natin sila din tumulong satin matupad pangarap natin. Salute to all the teachers ❤❤❤,” pagpapatuloy ni Karlo.

Nakakalungkot nga naman ang sinapit ng ating mga pinakamamahal na guro. Sa kabila nito, saludo tayo sa kanilang galing at dedikasyon sa pagtuturo sa atin.