Batang 4 na taong gulang, hinangaan ng mga netizen dahil marunong na syang mag ipon sa murang edad

Napakahalaga nga naman na matuto sa pag-iipon. Habang bata pa lang, napakaganda na makasanayan ang pag-iipon. Gaya na lamang ng 4-anyos na batang ito. Sa kanyang murang edad, matutuwa ka na marunong na siyang mag-ipon.

Si Althea Tumapon mula sa Lanao del Norte ang batang ito na talagang nakakamangha sa kanyang pag-iipon. Masinop at matipid nga naman talaga siya sa kaniyang kagalingan sa paghawak ng kaniyang pera. Kaya naman, dahil dito ay mayroong nagamit ang kanyang magulang sa oras ng pangangailangan.

Noong Enero, ay nanganak ang kanyang ina. P!pi at bingi ang kanyang mga magulang kaya naman nagamit nila ang perang ito sa panahon na tulad nito.

Nanggaling ang perang inipon ng bata mula sa kanyang lolo, lola at mga tiyahin. Hindi naman daw siya tinuruan na mag-ipon, sadyang siya lang mismo ang natuto at gumawa nito. At dahil ngayon, ay wala na at nagamit na ang perang naipon nito. Muling sisimulan ni Althea ang kanyang pag-iipon.

Credit: GMA news instagram

Tunay nga namang totoo ang sinasabi ng kasabihan na “kapag may isinuks0k, may m@duduk0t”. Wala nga namang mas hihigit pa sa taong masinop at marunong mag-ipon. Marami ang manghang-mangha sa kanya. Kaya naman, narito ang kanilang mga papuri at komento sa mga netizens.

Credit: GMA news instagram

“Good training. Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it. PROVERBS 22:6” “Im proud mom s baby boy q 2yrs old mula matoto siyang mag-ipon.”
“Katuwa nmn c baby❤️❤️ung bunso ko nmn tuwing uwe ko gling trabaho puro piso hinihinge pambili sa tindhan😄😄pro ok lng un balang araw matuto dn xang pahalagahn bwat barya❤️❤️”

Credit: GMA news instagram

 “Hats off to this kid 👏😊 while my Daughter she used to go in “Bakala” store when she handled a money to buy candies & toys 😄 but at 4yrs of age too her mind was open on working & I said, you’re still too young to get a job.”