Isang foreigner na nal0ckdown sa Cebu at pinatira ng isang pamilya doon,pinatayuan nya ng kanilang sariling bahay

Source: GMA Public Affairs Youtube

Likas sa ating Pinoy ang pagiging mapagbigay at matulungin. Ito man ay hindi natin kakilala ng lubusan, basta’t nangangailangan ay tinutulungan natin sa abot ng ating makakaya.
Gaya na lamang ng mag-asawang ito na sina Raymund at Reche Adoptante mula
sa Toledo City, Cebu. Tinulungan nila ang American vlogger na si Dustin Borglin na na stranded sa panahon ng l0ckd0wn dahil sa C0VlD.

Source: GMA Public Affairs Youtube

Taong 2016 nang unang magkita ang dalawa, at mismong si Dustin ang bumisita noon sa kanilang lugar. Isa sa mga bonding nila ay ang paglalaro ng basketball.Sobrang nag enjoy si Dustin sa Pinas kaya naman isa ito sa mga pinaka paboritong destinasyon ni Dustin na libutin dahil sa saya sa ating bansa. Kaya naman, nakabalik siya dito noong March 2020 ngunit inabutan nga lamang siya ng enhanced community quarantine.

Source: GMA Public Affairs Youtube

Hindi nakalipad si Dustin patungong US at nastvck siya sa Cebu. Kaya naman, to the r3scue naman si Raymund at Reche para i adopt si Dustin.Kapos man sila sa pera, hindi nila ininda ang pagtulong, pagpapakain at pagkupkop sa vlogger. Isa din sa mga naging bonding nila ay ang pagtuturo kay Dustin ng pagluluto ng Pinoy at native foods.

Source: GMA Public Affairs Youtube

Sa katunayan, naaawa daw sina Reche kay Dustin dahil tila nahihirapan si Dustin sa kanila lalo na at hindi ito ang kanyang buhay. Pero, napakagaling din namang makisama ni Dustin at kayang kaya niya mag adjust.

Source: GMA Public Affairs Youtube

Sa pamamagitan ng kanyang pag vlog, marami na rin siyang natutulungan sa iba’t ibang paraan. Gaya na lamang ng kanyang pag dodocument sa mga taga doon sa Cebu na kapos sa buhay. Sa pamamagitan ng kanyang mga followers na tumutulong at nagpapadala ng tulong ay nakakatulong na ito sa kanila.

Gamit din ang kanyang kita sa vlogging, ay naging maagang Santa Claus din siya sa komunidad doon.At ang malaking sorpresa niya kina Raymund at Reche, ay ang binigay niyang bagong bahay sa kanila bilang pasasalamat sa pagkupkop sa kanya.

Source: GMA Public Affairs Youtube