Kilalanin ang pinaka matandang mag-asawa na 79 taon ng kasal mula sa bansang Ecuador

“Kasama kang tumanda,” isa yan sa mga kataga mula sa isang awitin na talaga namang nais ng lahat na makapiling ang kanilang mga minamahal.Sino ba ang hindi nagnanais na makasama ang kanilang mahal sa buhay hanggang sa sila ay tumanda? Ang taong pinagtagpo ng tadhana at nagmamahalan ay sila nga namang nararapat na magkasama hanggang sa pagtanda.

Kaya naman ang mag-asawang Julio Cesar Mora Tapia at Waldaramina Maclovia Quinteros Reyes ay 79 taon ng mag-asawa. Sila ay nagmula sa bansang Ecuador at itinananghal ng Guinness World Records bilang “world’s oldest couple”.

Source: Guiness World Records Facebook

Ipinanganak noong Marso 10, 1910 si Julio at ngayon ay 110 taong gulang at si Waldramina naman ay 104 taong gulang na isinilang noong Ocktubre 16, 1915. sa kanilang mga edad, sila ay may edad na pinagsamang 214 taon at 358 na araw.

Kaya naman, nalagpasan nila ang last record na mula sa mag-asawang sina John, 106, at Charlotte, 105, Henderson na taga Texas. Sila ay may combined age na 211 anyos noong Nobyembre.

Source: Guiness World Records Facebook

Samantala, nagbunga naman ang pagmamahalan ni Julio at Maclovia. Sila ay nagkaroon ng limang anak ngunit n@mat@y na ang kanilang panganay na anak sa edad na 58. Nagkaroon naman sila ng 11 na apo, 21 na apo sa tuhod at 9 na apo sa talampakan.

Matagal man silang magaasawa ay wala pa rin namang nagbabago sa kanilang pagmamahalan at samahan.“The love and maturity that we had as a couple from the beginning of the marriage allowed us to know each other and grow emotionally to define our future,” saad ng mag-asawa.

Source: Guiness World Records Facebook

Sila ay nagkakilala sa pamamagitan ng kanilang kamag-anak. Sila ay nagisang dibdib noong 1941 sa isang secret ceremony. Ginawa nila itong secret ceremony dahil hindi ito gusto ng kanilang mga kaanak.“It was not easy because our relatives did not have a good relationship, but with time and patience we were able to unite them and we became an example and the best reference for the younger generations,” dagdag pa nila.